Chapter 9

21.7K 227 5
                                    

Ginising ko si El ng 5 am na nagpa-panic.

"El! El!", tawag ko. "El!"

"Ano ba, ang aga pa.", tinalikuran niya ako at nagtalukbong ng ulo. Inalis ko ang kumot.

"Ngayon ko lang naalala 'yung kwintas na bigay ni mama.", sabi ko.

"Saan mo ba last naiwan?"

"Ang alam ko, huling suot ko lang 'yon nung pumunta tayo sa beach. Ang akala ko nasa jewelry box ko na 'yon kaya hindi ko na hinanap. Hindi ko naman kasi madalas sinusuot yon kaya wala sa sistema kong may kwintas ako. May nakita ka bang suot ko nung makita niyo ako noon?"

"Baka nalaglag na 'yun sa dagat!" sabi ni El. Naiiyak na ako at nag-guilty na ngayon ko lang naalala 'yon. "Nako,paano na 'yan? Diba yun nalang 'yung nag-iisang memory mo sa mama mo?"

"Ayun na nga eh, pero may isang taong pwede kong icheck."

"Sino?"

"Si Joshua.", kumunot noo niya.

"Joshua? Devil Slayer?", tumango ako. "Sigurado akong siya 'yung nagligtas sa akin sa beach El.", binatukan niya ako. "Aray!

"Gaga, sigurado ka ba? Siya ililigtas ka niya? Wala sa mukha niyang magliligtas ng tao, baka makapatay pwede pa. ", sabi niya ng pabiro.

"Hindi ako naniniwalang nakakapatay 'yon tsaka kung ganoon nga talaga siya kasama eh bakit pa niya ako niligtas?"

"Hindi ka nga sure kung siya talaga 'yon eh."

"Eh bakit ba mas marunong ka pa eh ako nga ang nakakita. May chance na nasa kanya 'yon, kung wala malamang nasa dagat na 'yon. Siya lang ang only possible lead ko."

"So ano, kakausapin mo nanaman siya eh napapahamak ka nga lagi kung kausap mo siya. Gusto mo bang masaktan?"

"Hindi 'yan."

"Eh di huwag mo muna siyang aawayin. Kumalma ka baka mag end up nanaman sa sapakan yung paguusap niyo."

"Kailan ba kami nagsapakan?"

"Parang doon na rin kayo papunta.", sabi niya.

"Oo, promise di ko siya aawayin.", sabi ko kay El. Pumunta ako sa school an hour before my first class para kausapin si Josh.

Naglakas loob akong pumasok sa Gang Building para hanapin si Josh. Nasa dulo daw tambayan nila. Kinakabahan ako pero kailangan kong pumunta doon.

Nakabukas ang pintuan nila at pumasok ako. Wow. Isang malaking kwarto na may conference room sa loob, sa labas ng conference room may dining hall slash bar. Pwede ba 'to?

"Miss?", lumingon ako sa kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Job.

"Job?"

"Yeah, what's up? Sinong hinahanap mo? I didn't get your name. "

"Cassie. Si Joshua?", nabigla siya sa sagot ko.

"Sasapakin mo nanaman ba siya?"

"Why is everyone exaggerating? No, I just have to ask him something."

"Si DS? Bakit?"

"Baka nasa kanya 'yung kwintas ng mama ko.",sabi ko.

"Loko-loko 'yon pero hindi 'yon kumukha ng gamit ng iba.", sabi ni Job na natatawa.

"Hindi, kasi noong summer, nalunod ako at may nagligtas sa akin. I remember the face and it looks like Josh. ", natawa siya.

"Ang lawak ng dagat, 1% chance na nasa kanya 'yon at lalong 0.01% chance na si Josh nagligtas sa'yo." Tumawa uli siya. 

"Ganoon ba talaga ka sama si Josh na hindi kapani-paniwalang niligtas niya ako?"

"No, it's not that. He probably called someone to do that for him. But he will not do that for anyone." How exaggerated. "Sorry, it's kind of exaggerated, but of course. Baka wala siyang choice. Regardless, napaka liit na chance."

"Kahit na, ganoon kahalaga 'yung kwintas sa akin."

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ng isang mababang boses. Josh? Lumingon ako sa bandang pintuan at nakita si Josh.

"May itatanong lang ako.", sabi ko. "'Yung nagligtas sa akin sa beach, ikaw 'yon diba?", tanong ko.

"Kung nandito ka para magpasalamat. You're welcome."

"No, I'm not here to thank you. May nakita ka bang locket na suot ko noon?" Kumunot noo niya.

"Meron."

"Talaga? Saan?"

"Tinapon ko na, luma na eh.", sabi niya.

"Tinapon mo?!"

"Oo, sa dagat. If I will help someone, I need to get something in return kaso walang kwenta eh." Naiiyak na ako. Wala na, nasa gitna na ng dagat 'yon.

"Wala ka talagang puso."

"Woah, kwintas lang 'yon, mayaman ka naman eh bumili ka ng sampu." Sinampal ko siya. "Ano ba?!"

"Hindi lahat ng bagay nabibili Demon Slayer. You're the worst person I have ever met in my entire life. Hindi mo alam kung gano kahalaga sakin yung locket na 'yon."

"Mukha ba akong may pakialam? Sa tuwing nakikita kita naririndi ako."

"Josh, tama na.", sabi ni Job

"Ano? Girlfriend mo na ba 'yan?", hindi nagsalita si Job.

"Tara na Cassie.", lumabas kami ni Job sa room at pinatahan niya akong umiyak.

"He's lying.", sabi niya sa akin.

"Huh? How did you know?", ngumiti lang siya sa akin. "Do you know him that much?"

"Oh, I know him more than anyone else, more than himself actually. Don't worry, kung nasa kanya man 'yung kwintas, give me time. Ibabalik ko 'yon sayo.", nginitian niya ako.

"Thank you."

"Sige na, pumunta ka na sa klase mo. Ako na bahala.", sabi ni Job. Hulog talaga 'to ng langit.

Bumalik ako sa school building at pumunta sa una kong klase. "Oh bakit namumugto mata mo? Umiyak ka ba?", tanong ni Zed.

"Hinde.", sabi ko nalang at nakinig. Napakasama ng ugali nong Josh, pero hindi ako natatakot sa kanya. Mas nakakatakot pa 'yung mga teacher ko sa taekwondo. Hindi masama ang tawag sakanya, he's just one childish man.

"Okay ka lang?", tanong ni Zed. Tinignan ko ang mga kamay ko na may hawak na crumpled paper. "Nakakatakot ka, sinong umaway sayo?", tanong niya. Ngumiti lang ako at nakinig.

Sana nasa kanya lang.

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon