Crazy Love

139 4 6
                                    

Sondtrack: CRAZY LOVE by Mindy Gledhill

____________________

According to Mr. Webster, "crush is having an unfamiliar feelings to someone you can never have."

Kaya nga kuntento na ako sa pagtitig sa kanya kahit sa malayo. 

Ang linya ko dati sa iba, "Yucks! Stalker much?" and at the back of my mind, "Ako? Magiging stalker? Never!"

Never ako naging stalker o spy buong buhay ko.

...until I met him. Chooos!

And how I met him?

Flashback

-call convo-

[Hoy, Cindy! Asan ka na? Malapit ka na matawag!] 

[Oo! Eto na! Papasok na 'ko ng gate!] hinihingal kong sagot.

Kung bakit nga ba ako natulog ng matagal kagabi kakapanood ng PBB Teens, e di na late tuloy ako. May individual reporting pa naman kami ngayon!

[Bilis!]

[Papunta na ako dya---]

Bigla akong nakakita ng mascot na tumatakbo papunta sa lugar ko na parang hinahabol siya ng maraming tao. 

Bakit ako natulala? 

Dahil takot ako sa mascot! At nagulat ako dahil ang daming humahabol sa kanya! Majority pa e mga girls. Ni hindi ko alam kung bakit may mascot dito sa campus namin.

At dahil nga hindi ako agad nakaiwas, nabangga niya ako. Natumba ako. At hinimatay ata?

Pag gising ko, naka higa na ako sa bed ng clinic.

Umupo ako at hinimas ang noo ko. 

Bigla nalang akong napatayo nang maalala ko yung reporting namin. 

Hinanap ko kaagad ang cellphone ko at...

16 missed calls!!!

 Di-nial ko kaagad ang number ng kaibigan ko.

[Cindy! Kanina pa kita tinatawagan a! Anyare sa'yo?]

Nga naman. Ano nga bang nangyari?

[Ah ano... Mahabang storya! Mamaya ko na sasabihin sa'yo---]

Huminto ako dahil narinig kong bumukas ang door knob.

Baka nurse...

"Aaaaaaaah!!!"

Yung mascot!

Nagulat din ata siya na sumigaw ako bigla.

Nag-ssh sign pa siya! Ang creepy niya!

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong braso kaya lalo akong napasigaw.

Dali-dali niyang tinanggal ang ulo ng mascot at basta nalang itong binagsak sa sahig sabay hawak sa magkabila kong balikat.

"Hoy! Bakit ka ba sumisigaw?!"

Natulala nalang ako bigla. Hindi ko kasi akalain na isang gwapong nilalang pala ang may suot ng mascot.

Yung seryoso niyang mukha ngayon, lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya. Kahit pinagpapawisan siya, parang bagay pa rin sa kanya.

Biglang may dumating na nurse. Nag sorry muna siya sa 'kin at nagpaalam na.

end of flashback

Our Song (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now