At His Side

190 4 17
                                    

Soundtrack: UP UP DOWN DOWN by Krissy & Ericka

BlueLovie: Hindi ako maka-recover dun sa kwinento mo kaya ginawan ko neto! HAHA :) Dedicated sayooooo <3

*

Ako si Aya Cole. Ang short lang ng name ko noh? So am I :) 'Di baleng pandak, cute naman daw ako sabi nila eh! Hihihi. 2nd year student sa kursong Business Administration. 

"Hoy, Aya! Bakit kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa bintana?" bulong ng kaibigan kong si Lia.  

"Malapit na kasi 'yong break time nila di ba? Excited na akong makita siya!" sabi ko habang kinikilig pa. Kinilig na din siya! HAHA! Dito kasi madalas dumadaan ang crush ko.

"Psst. Ano na naman ang pinag-uusapan niyo diyan? Mga crush niyo na naman?" ang usisera kong kaibigan, si Nica.

"Che! Nakikisingit ka pa 'te? Kung magsalita ka, parang 'di ka din head over heels sa crush mo!!" pang-aasar ni Lia.

Dadaan na kaya siya?

Siya. Si Marc Rio Samonte, ang gwapong nilalang na nagpatibok sa puso ko noong una ko palang siyang makita. Isang HRM student na ka-batch ko lang din. 'Yong iba ko ngang mga kaibigan eh tinutukso ako na baka daw bakla 'yong crush ko kasi HRM ang kinuha niyang course. Eh ano naman ang masama 'don? Shocks. Dinedefend? Uhm. Balita ko din kasi, wala daw siyang girlfriend ngayon. Last year ko palang siya nakilala. Kilala ko siya pero ako, hindi niya 'ko kilala.  Ni hindi nga ata ako nage-exist sa mundo niya eh. Magkabit-bahay lang kami pero hindi ko pa siya nakikitang lumalabas ng bahay nila. Hindi din siya sumasabay sa bus na sinasakyan ko. May sundo 'yon eh. Parang ang laki-laki naman ng mundo para sa amin dalawa at hindi kami pinagtatagpo. Ang saklap. 

Ang saklap talaga. Hindi siya dumaan eh. </3 Sa ganitong panahon ko na nga lang siya makikita, 'di pa ako pinagbigyan ng tadhana!

"Aya, tara na. Andyan na ang next class oh." sabi sa akin ni Lia. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase kakaisip sa kanya. Bakit kaya hindi siya dumaan? Hindi kaya nag break? O baka naman absent? Tsk. Lumabas na kami ng classroom kasi may ibang klaseng gagamit dun. 

*KAIN

*LUNCH

*LESSON

*LESSON

*RIIIIIIIIIIIIIING*

*DISMISSAL

"Nah! Matatapos na ang araw ko pero hindi ko parin siya nakikita!" Naglalakad na kami ngayon papalabas ng school. Hindi ko pa siya nakikita -______-

"Baka absent 'te! Lika, uwi na tayo!" -Lia

"Oo nga naman, Aya! Baka maiwan ka na naman bus!" -Nica

"Oo nga pala! Sige sige!' Nagpaalam na ako sa kanila at nagmadali na akong tumakbo papalabas ng gate. Mas mura kasi pag nagba-bus papunta sa 'min. 

*PHEW. Akala ko maiiwan na naman ako. Sumakay na ako ng bus at umupo sa dulo. Tamang-tama na may space pa. Umupo na ako. Wala akong katabi kaya solong-solo ko ang upuan.

*SIGH. This is not my lucky day!

Nakatungo lang ako. Nakakawalang-gana!

"Excuse me? Pwedeng tumabi?" narinig kong may nagsalita kaya umusod ako papalapit sa bintana without looking. Nakatingin ako sa bintana ngayon. Umaasang anytime, makikita ko rin siya na papalabas ng gate. Umaandar na ang bus at wala pa rin akong Rio na nakikita.

"Rio?" biglang nabuhay ang loob ko nang may narinig akong tumawag ng pangalang Rio kaya agad akong napalingon.

OMO. 

O_________O

"Oy Rio, pare! Himala ata sumakay ka ng bus ngayon?" tanong ng isang lalaki na nakaupo sa harap namin. Kaibigan niya ata.

"Bro!" bati niya at nag-appearan silang dalawa. Ngayon ko lang narinig ang boses niya sa malapitan.

Tell me that I'm not dreaming. Slap me! SI MARC RIO SAMONTE? KATABI KO NGAYON? Hindi ko lang siya nakita, nakatabi ko na, narinig ko pa ang boses niya. Pwedeng sumigaw?

AAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!! 

*KILIG KILIG KILIG

Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napalingon siya sa 'kin at ngumiti. 

OXYGEN PLEASE.

Ngumiti din ako sa kanya at agad kong iniwas ang tingin ko kasi bigla akong na-conscious. 

Napansin ko na palipat-lipat ang tingin ng kaibigan niya sa aming dalawa habang nakangiti na parang ewan. Weird. Parang nagulat pa ito ng nakita niya ako. Nagsalita ulit ito.

"Bro, nagdadamoves ka na a! SA WAKAS! Nakasama mo na rin ang kaligAYAhan mo!" 

*the end

Our Song (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now