Lover's Quarrel

142 3 7
                                    

Lover's Quarrel

It's funny how I fell in love with someone I used to hate.

Soundtrack: 1,2,3,4 by Palin White T's

*

"Dianne, ano yung pinagkakaguluhan nila 'don?" tanong ng best friend ko habang hinihintay ang teacher namin for the next class.

Napansin kasi namin na may pinagkakaguluhan sa may teacher's table. Chismosa kami e. Kaya tumayo kami kaagad at sumali na rin sa kumpulan. Pinagkakaguluhan pala nila 'yung pictures ng aming Christmas party na hawak ng kaklase namin na may-ari ng digicam. Kahit sobrang sikip na, nakikisingit pa rin kami Mia. Naramdaman kong may umakbay sa 'kin pero hindi na 'ko nag-abala pang lumingon dahil alam kong si Mia 'yon. Tawa kami ng tawa ng habang nakatingin sa mga pictures dahil puro stolen shots 'yon. Nakakatawa lang ang mga mukha namin e! Lalo na 'don sa larong Paint me a picture.

Napatingin ako sa mga kaklase ko at sa 'kin na sila nakatingin pero tawa pa din ng tawa. Ay, bakeeet? Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin ako sa kanila at mas lalong napakunot ang noo ko nang makita ko si Mia na medyo malayo na sa teacher's table. Ngumunguso ito sa 'kin habang nagpipigil ng tawa. Kung ganon, e sino 'tong---

"DARWIIIIIIIIIIN!!!!!!!!!!!!" Sinasabi ko na nga ba eh! Tumakbo siya kaagad pagkasigaw ko dahil alam niyang hahabulin ko siya at hahampasin ng madame sa braso niya. Tumakbo pa siya palabas ng classroom habang abot-tenga pa ang ngiti ng loko. Kakainis naman kasi eh! Hindi ko talaga siya maabutan! Pinagtatawanan lang kami ng mga kaklase namin dahil sanay na silang ganito kami. Nagiging routine na ata namin ang mag-away. Nakita kong papunta na sa room ang hinihintay naming teacher kaya tumakbo na 'ko pabalik ng classroom. Ganon din si Darwin pero siniguro niya munang nakaupo na 'ko sa pwesto ko bago siya pumasok. Binigyan ko lang siya ng nakakamatay na tingin habang papaupo siya.

Darwin: *wink*

GRRRRRRRRRRRRRR!!! Alam mo ba 'yong feeling na parang ang init ng dugo mo sa isang tao? 'Yung inis mo sa kanya eh lagpas na sa height mo? Alam mo 'yun? 'Yong parang pag nakikita mo siya lalo pa't nginingitian ka lang niya na nagloloko eh parang gusto mo ng ihampas sa pagmumukha niya ang lahat ng bagay na makikita mo? 'Yong parang ang sarap niyang kurutin hanggang buto dahil sa gigil? GIGIL DAHIL SA INIS!

"Psst. Chill lang, Dianne. Nase-stress na naman ang mga kilay mo." bulong sa 'kin ni Mia habang nakapangalumbaba lang ako and I just rolled my eyes as a response.

*buntong-hininga ng malalim. Pinapalabas ang bad vibes.

"LQ na naman?"

"Anong LQ?! Q lang noh! As in QUARREL!"

Napalakas ata ang boses ko kaya napagsabihan tuloy ako ng teacher namin. Ugh! Palagi nalang ganito! Puro BV nalang ang nasasagap ko pagdating kay Darwin!

DARWIN'S POV

"Eh kasi naman ikaw. Ba't 'di ka pa sumuko kay Dianne? Obvious naman na ayaw niya sa'yo. Konting hawak mo nga lang sa kanya eh para na siyang mapapaso. Dude, kung ako sa'yo, stop na 'ko." sabi sa akin ng teammate ko.

Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Ako dati, hindi. Pero simula nung makita ko si Dianne, walang duda, naniwala agad ko. Woah! So gay! Pero wala eh, talagang tinamaan ako sa kanya. Malas ko lang dahil unang approach ko palang sa kanya, nahanginan na siya sa 'kin pero nanligaw pa din ako sa kanya kahit ganon. Unti-unti na 'kong naadik sa kanya. Sa pabango niya, sa ngiti niya, kahit sa pagsigaw niya ng pangalan ko. Ang simpleng paghanga ko sa kanya eh naging love na. Ilang beses na nga niya 'kong binusted pero tinutuloy ko pa din ang laban. Minsan ko ng naisipang sumuko lalo pa't pinapakita niya sa 'king wala akong kapag-a-pag-asa sa kanya pero naiisip ko na, ngayon pa ba 'ko susuko? Ewan ko pero palagi akong may pinanghahawakang pag-asa na balang araw, mamahalin din niya ako.

Our Song (One-Shot Stories)Where stories live. Discover now