You Captured My Heart

134 3 1
                                    

You Captured My Heart

by cheeryyellow

Soundtrack: LUCKY by Colbie Caillat and Jason Mraz

__________________________________________________________________

DINO'S POV

Nakangiti lang ako sa camera ko habang tinitingnan ko ang pictures ni Pia. "Ang ganda mo talaga, Pia." Kinakausap ko yong litrato niya. Maya-maya, lumabas na ako ng kwarto ko at pumuntang darkroom para i-print ang mga litrato.

PIA'S POV

"Good morning, tita Jane!!" bati ko sa mommy ni Dino pagkapasok ko ng bahay nila. 

"Oh iha. Good morning!" bati niya din sa akin sabay beso namin.

"Si Dino po?" tanong ko.

"Andoon pa sa itaas. Puntahan mo nalang." sabay ngiti ni Tita.

"Sige po." 

Umakyat na ako papunta sa kwarto ni Dino.

*knock knock*

"Dino?"

*knock knock*

"Dino?" Wala pa ding sumasagot kaya pumasok nalang ako. Wala naman siya dito. Malamang nasa darkroom. Puntahan ko nalang. Nakabukas lang ang pinto kaya diretso na akong pumasok. Nakita ko siyang nakatalikod sa 'di kalayuan.

"BOO!!" Binulaga ko siya at muntik na siyang tumalon dahil sa gulat kaya ako napatawa ng malakas. "HAHAHA!!"

"ANONG GINAGAWA MO DITO??!" sigaw niya sa mukha ko. Napatigil ako sa pagtawa at umatras ng konti.

"Eto naman.. Kung makasigaw!"

"TSK!" Iginaya niya ang likod ko patalikod sa kanya para palabasin habang nakahawak siya sa magkabila kong balikat. Kulang nalang itulak niya 'ko! Hanggang sa makalabas na kami ng darkroom. 

*BLAG* Sinara niya ng malakas ang pinto. Muntik ng lumabas ang puso ko sa gulat. Ang moody talaga neto!

"Galit?" bulong ko kunyari.

"DI BA SABI KO, HINDI KA PWEDENG PUMASOK DITO??" sigaw niya.

"Eh wala ka naman sa kwarto mo eh.. Kaya ko naisipang puntahan ka dito." pagdadahilan ko.

"KAHIT NA! BAWAL. KANG. PUMASOK. DITO. GETS MO??" Mukha na siyang halimaw!!

"Oo na! Teka. Bakit ka ba sumisigaw ha??"

"Eh ang tigas ng ulo mo eh! Don ka na nga muna sa kwarto!" sabi niya at sinunod ko nalang. 

Ako si Paula Irene Asuncion. PIA for short. 3rd year college sa kursong Accounting. Si Dino naman ang aking childhood friend, my partner in crime, best friend, enemy, lahat-lahat na. Pati nga first love eh. Pero hindi niya alam 'yon. Ang alam niya, ang ultimate crush ko ay si Stephen. Varsity player ng badminton sa university namin. Hindi naman kasi ako magugustuhan ni Dino kaya dinadahilan ko nalang na si Stephen ang crush ko. Pero crush ko na din naman si Stephen eh kasi ang galing niyang maglaro, gwapo, matalino, tsaka pinapansin niya ako!! Oh, san ka pa? Crush lang. Iba naman sa nararamdaman ko para kay Dino.

Pagdating ko sa kwarto niya, lumilingon-lingon muna ako at tinitingnan kung may kalat para ayusin ko nalang pero parang wala naman. Ang organized niya talagang tao. Mas burara pa nga ako sa kanya eh. Umupo nalang ako sa sofa ng kwarto niya. Ang boring naman! Wala akong magawa! Lumipat ako sa kama niya at dun naupo. Sa side table niya, may mga picture frames. May picture nga naming dalawa eh. Mga second year highschool pa ata kami don sa picture. Ako lang yung nakangiti tapos siya, sinungayan lang ako. Halos lahat ng pictures don, hindi siya nakangiti. Habang nakatingin ako sa mga pictures, napansin kong parang may picture sa ilalim ng unan niya at na-curious ako. Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa unan para kunin yong picture

Our Song (One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon