Love Race

7.4K 128 16
                                    

Dollar's POV


Katulad ng balak ko, umaga pa lang ng twenty six ay na kina Lolo na ako. Hindi para mamasko kundi para hanapin si Rion. But that man's nowhere to be found...

Hanggang umabot na lang ang gabi pero di pa din sya nagpapakita. Naiinis ako pero mas lamang ang lungkot at pag-aalala. Nasaan na ba kasi siya?

Nagswi-swing ako sa gilid ng mansion na nasa tapat ng kwarto ni Rion at nakikipagkomperensya sa mga lamok. Bakit ba kasi ayaw  niyang maniwala sa'kin na okay lang sa'kin lahat-lahat tungkol sa kanya?

Tumunog ang cellphone ko mayamaya. Pero wala kong balak sagutin. Tiningnan ko kung sino ang caller. Asus! Si Vaughn lang naman pala. Sinuksok ko ulit sa bulsa ko at nilakasan pa ang pag-ugoy sa duyan. Yung tipong parang titilapon na 'ko. Pero ako din ang nahilo kaya tinigilan ko na. Kinuha ko ulit ang cellphone ko.

Fourteen missed calls from Vaughn.

Wow! Tiyaga ng mokong na 'to ah. Wala ba syang ibang magawa sa buhay? Hmm...isa pa para saktong fifteen calls. At gaya ng inaasahan ko tumunog ulit iyon. Sa patatlong ring ko pinindot ang answer button.

"Mariella? I've been calling you for eternity."

"Yup. Alam ko. Baket ba?" tinatamad kong tanong.

"Punta ka sa shortcut."

" 'No ko hilo? Tigilan mo 'ko Bunteri, mamaya nyan kung saan mo na naman ako dalhin eh."

"No. It will be fun,"sabi nya pero hindi halata sa boses.

"No. Ayoko. At saka bakit ba lage mo na lang akong inuutusang pumunta sa 'yo? Ba't ayaw mong ikaw ang pumunta dito eh ikaw dyan ang nagyayaya? Natatakot ka no?"

*Tuut. *Tuut. *Tuut. (O_O)?

Parang ewan! Pinatayan ako ng cellphone? Inarko ko ang likod ko para maisuksok ang cellphone ko sa bulsa.

"Boo!!!"

"Waaah!!!"

*Tug!

"Shit! Mariella are you okay?"

Tiningala ko si Vaughn na nasa harapan ko.

Tae! Ang sakit! Buti na lang damuhan ang binagsakan ng likod ko. Tss! Ang sagwa ng pagkakabukaka ng mga hita kong nakasampay sa duyan.

Tinulungan niya 'kong tumayo. "Gago ka! Ba't ka ba nanggugulat? At pa'no ka nakapasok agad dito? Mahigpit ang security sa buong lupaing 'to ah!"

"Secret... baka mai-text," at ngumisi siya. "Tara, may pupuntahan tayo. Sasaya ka doon." 

"Kay Rion?" nakamulagat kong tanong.

Pero sumeryoso bigla mukha ni Bunteri...

"Huy...Pupunta ba tayo kay Rion?" Na-excite ako bigla. Naalala ko na isa si Vaughn sa mga may alam sa totoong identity ni Rion. Malamang alam niya din kung nasaan si Rion ngayon.

"Kapag sinabi kong hindi... sasama ka pa din ba sa'kin?"

"Syempre hindi."

Ilang segundo syang hindi nagsalita at tinitigan lang ako. " Okay...'di sa kanya tayo pumunta," at nauna na siyang naglakad palayo.

Nilingon ko muna ang bahay. Pangalawang beses ko itong gagawin na lumabas sa kalaliman ng gabi na hindi nagpapaalam kay Lolo. Tsk! Di bale na nga.

Sumunod ako kay Vaughn na pumasok sa kakahuyan...


^^^^^^^^


"N-Nandito si Rion?"

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon