Sa Al's Billiards...

10.3K 187 15
                                    

Dollar's POV


Pumasok ako sa Al's Billiards at napansin ko na tumahimik ang isang panig niyon. Nandoon ang grupo nila TakBoy. So I made an impression huh.

Dapat lang 'yan sa mga lalakeng hindi marunong gumalang sa mga babae lalo na sa mga waitresses.

Diretso ako sa bar counter, nandoon sila Zilv at Moi. Sumandal ako sa gilid ng counter katabi nila habang tahimik silang nanonood sa mga naglalaro.

Parang nahuhulaan ko na kung ano ang itatanong nila  after three seconds. 

Three, two, one.

"Saan ka pa galing?"si Zilv.

Sabi ko na nga ba. Sa aming tatlo, si Zilv ang pinaka-Tatay namin. 

"Hoy, Dukesa, mamaya kung ano na 'yan ah, nakauwi na lahat ng mga scientists sa university pero kabukod-tangi kang nahahapunan sa school. Anong pinaggagawa mo? Sumagot ka!" walang tiradang sita ni Moi. Scientists nga pala ang tawag niya sa aming mga nasa Science Department.

"Naks Moi, para kang nanay ah. Si Zilv parang tatay sa pagka-usisero ikaw naman parang nanay kung magsalita. We are one happy family. Ang saya!" at pumalakpak pa ako.

Sumimangot lang si Moi at pinisil ang ilong ko.

"Ano ba 'yang inaasikaso mong 'yan?" tanong ni tatay Zilv.

"Ay, iyong love life ko."

Bigla nila akong nilingon. Halata ang shock sa mukha. Naks, sa wakas, nagulat ko din si Zilv, lage kasi syang kalmado. Ni hindi nga siya nagugulat kung masangkot man ako sa anumang gulo o kung malaman man niya na ako  ang pasimuno ng gulong 'yon. Until now...

"What did you say?" tanong ni Moi, hindi magkaintindihan sa pagsasalubong ang kilay.

"You heard me, guys." Balewala kong sabi at dumampot ng cornicks na pinupulutan nila kanina. Pero humahagalpak ako ng tawa sa utak ko. Nakakatuwa ang reaksyon nila. Two handsomes na daig pa ang mga magulang na binalitaan na nagtanan ang anak nila.

Biglang tumayo si Moi at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Anong pangalan niya ha?! Mabuti ba siyang tao?! Maasahan?! Igagalang ka?! Kaya ka ba niyang buhayin?!"

Pinigilan kong matawa dahil seryoso si Moi. Ngayon lang 'to, lage kasi siyang nagbibiro. Pero natawa pa din ako. 

Gusto kong sumagot ng malakas na 'yes' sa tanong niya. Mukha namang mabuting tao si Rion kahit seryoso at misteryoso. Maasahan? President nga siya ng SSC 'di ba? Igagalang ba niya 'ko? Well, kahit anong pangungulit ko sa kanya, hindi naman niya 'ko binabastos. At kaya ba niya 'kong buhayin? Ayiee, nakakakilig ang ideya na 'yon, papunta na iyon sa pag-aasawa.

Nag-daydream ako ng ilang segundo habang kumakain ng cornick, hindi pinapansin kung nakatunganga sa 'kin ang dalawa at naghihintay na mag-elaborate ako. 

Tiningnan ko si  Zilv mayamaya, tatahi-tahimik lang siya pero gagawa na 'yan ng sarili niyang pag-iimbestiga. Ganoon sila ka-paranoid sa kaligtasan ko. Masyado nila akong bine-baby. Mas parang magkakapatid nga kami kesa magkakaibigan at magkababata.

"Basta ang masasabi ko lang sa inyo ay... mas gwapo siya sa inyong dalawa."

"No way," reklamo ni Moi. "Who's the unfortunate guy?" tanong pa niya at bumalik sa pagkaka-upo sa stool chair. 

Napangiti ako. Naalala ko si Unsmiling Prince. Sasabihin ko na ba? O sige na nga. Sila lang naman ang mga kaibigan ko.

"Marionello Flaviejo, Rion for short." I proudly said.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon