Ang Habulan #2

9.4K 160 7
  • Dedicated kay me
                                    

Dollar's POV

Hmn...

Nakakatuwa pala dito sa faculty room, iba-iba ang table ng mga teachers. May parang tindahan ng mga libro, tindahan ng mga picture frames, tindahan ng mga pang-display at parang may dinaanan din ng ipu-ipo. At todo rin ang aircon dito. Grabe ang lamig. Siguro technique nila 'yon para kapag may gigisahin silang estudyante ay mangangaligkig sa lamig at sa takot at malaman nila kung nagsasabi ng totoo ang kausap nila.

First time ko nga pala dito at ang dahilan?

"Ms. Viscos!?" sigaw ni Prof. Cruz na kaharap ko sa table niya.

"Yes, Miss?" I smiled at her. Inosente ako kaya hindi ko kailangang mangaligkig sa takot. Pero sobrang lamig talaga ng binubuga ng aircon.

"Are you paying attention? Pinag-u-usapan natin dito ang ginawa mong pag-absent kahapon sa klase ko! At dinamay mo pa ang buong klase." Isa si Miss sa mga kalmadong teacher na nakilala ko pero ngayon parang lumipad lahat ng kalma niya.

"Pero Miss, hindi ko po sila niyayang um-absent din. That was their choice." I reasoned out.

"B-in-oycott nyo ang subject ko. Biochem is one of your major subjects! At ikaw ang class chairwoman kaya naniwala sila sa iyo." 

Grabe ang lakas ng boses ni Prof. nage-echo sa buong room lalo na at wala kaming ibang kasama dito ngayon.

"You're a consistent DL, Ms. Viscos. But I'm afraid na kung itutuloy mo 'yang mga kalokohan mo ay baka hindi ka ma-issue-han ng good moral character when you graduate." She looks disappointed.

Aw... Problema nga yun ah. Lagot ako kay Uncle.

"Pero Miss wala naman talaga akong kasalanan 'di ba, you were fifteen minutes late?"

"Yeah. Pero sinabi ko sa inyo noong nakaraan na male-late talaga ako pero kailangan nating mag-meet dahil malapit na ang midterm."

Hindi ko yata narinig iyon ah. Tulog siguro ako ng panahong 'yon.

"And I'm not talking about yesterday! I'm talking about your other mischief! Ang mga hindi mo pagsunod sa mga rules and regulation ng University. I wonder kung bakit hindi ka pa din nadadala sa Discipline office."

Ako din Miss, nagwa-wonder. Napalingon ako sa bukas na pinto at nakita kong dumaan si Unsmiling Prince! Syempre, nabuhay ang hasang ko.

Tuloy-tuloy pa din sa pagse-sermon si Miss. Pero hindi problema 'yon dahil may pumasok na teacher at kinausap siya. And then she dismissed me instantly. At mabilis pa sa alas-kwatro na nakalabas ako ng room na 'yon at hinabol sa hallway si Unsmiling Prince.

Aaaah! I love this hallway!

Dito nangyari ang pagtatapat ko, ang unang pagyakap niya sakin at... Ang first kiss ko sa kanya... Pero syempre, joke lang yung huli. Soon, fellas. Soon....

"Unsmiling Prince!!!"

Bigla akong nag-preno sa harap niya nang maabutan ko siya. And he didn't seem surprised. Sinulyapan lang ako at saka naglakad ulit. Pero dahil mas makulit pa 'ko sa anumang uri ng fungi, ay sumabay ako sa paglalakad niya.

"Unsmiling Prince, huy, saan ka nga pala galing kagabi?" tanong ko.

Remember the sexy guy na nakabungguan ko sa Billiards kagabi wearing white T-shirt, jeans and a baseball cap? Feeling ko siya 'yon. Siya lang naman ang ganoon ka-cool tumindig sa bayang ito. Ahaha!

"Why would I tell you? Asawa ba kita?" he asked drily.

I grinned.

"Hahahahaha, you gave me an idea! So... Will you marry me? You know, para sagutin mo na ang tanong ko kung saan ka galing kagabi. And we will have a divorce kapag nasagot mo na. But... unfortunately for you, wala pa nga pa lang divorce sa Pilipinas. Hahaha!"

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon