When Two Devils Collide

6.8K 131 15
                                    

Rion's POV


Pinarada ko ang kotse sa garahe pero di muna 'ko bumaba. I removed my jacket, cap and gloves and put them at the backseat.

Damn it! This was one hell of a night!

Gusto kong sipain ang sarili ko nang makita ko ang takot sa mata ni Dollar kanina. 

I almost killed her! Pero mabuti na lang at hindi ko nabuko ang sarili ko at mas mabuti na hindi ko siya nasaktan kanina. If that happened... ako mismo ang papatay sa sarili ko. Shit!

Lumabas ako ng kotse at sakto namang tumunog ang cellphone ko. It's my evil friend, Vaughn St. Martin.

"Rion?"

"You really had the guts to call me, St. Martin? Damn you! Bakit mo siya dinala sa lugar ng assignment ko kanina? Kung may nangyaring masama sa kanya..." Hindi ko kayang isipin kung mayroon man, at kagagawan ko!

"Oh, you knew it was me? At kung may nagyaring masama sa kanya... You'll kill yourself, right?" He then chuckled sarcastically.

"No, Vaughn. I'll kill you first then I'll join you in hell after that." I swore.

"Iyon naman pala, 'di sa impyerno natin itutuloy ang laban natin."

I cursed him once again. " Remember this, Vaughn. DON'T. TOUCH. HER. Mess with me all you want but don't involve her, you hear me?" I said through gritted teeth. Nagtataka 'ko kung bakit hindi pa nasisira ang cell phone sa higpit ng pagkakahawak ko.

But Vaughn just laughed on the other line. " I'm not your bitch para utusan mo, Flaviejo. And I have my reasons for doing that."

"Which is?" I asked. Coming from Vaughn, it'll surely not be a good one.

"Mahal mo siya di ba? Ine-expose ko lang siya para masanay siya sa mga ginagawa mo kapag nalaman niya ang totoong kulay mo. And that is if she will take that side of yours whole-heartedly. Watcha think, Rion? Hindi ka ba natatakot kapag kinamuhian ka niya dahil sa trabaho natin? Wake up, boy, fairy tales aren't for cold-blooded killers like us."

"Damn you, Vaughn! I'll say it again. DON'T. INVOLVE. HER."

"Let's make a bargain, Jaguar, hindi ko na siya pakekelaman... if you'll quit from my father's team and Alvaro's."

Hindi ako nagsalita. Vaughn's up to something, I can smell it.

"What?" he asked.

"Bukod sa galit mo sa'kin Vaughn... ano pang dahilan mo kung bakit dinadamay mo dito si Dollar?"

It was his turn not to speak. Pero alam kong nasa kabilang linya pa rin siya kaya hinintay ko siyang sumagot.

"Because I don't want her in danger also..." Vaughn answered in a low tone after a while.

"Really? Well, fuck you, Vaughn! You don't want her in danger, pero anong ginawa mo kanina!?" 

"Damn it, Rion! Akala mo ba ganoon ako katanga? Nasa paligid lang ako kanina, waiting to strike kung nagkamali ka ng kilos at sinaktan mo siya! At kaya ko sinasabi sa'yo na mag-quit ka sa grupo ay para hindi siya lalong mapahamak!" he bursted out.

Kung hindi kami nag-uusap sa telepono at magkaharap kami ngayon... walang ganitong magiging usapan, dahil malamang inuumpisahan na naming saktan ang isa't isa. Katulad ng mga away namin dati. And I really want to punch the hell out of him.

Sumandal ako sa kotse at inalisa ang mga sinabi niya. Kung tama ang hinala ko tungkol sa ibig sabihin ng reaksyon niya... it'll be another problem.

"You don't want her in danger, right? Pero tinakot mo siya kanina para kapag nalaman niya ang trabaho ko... ay may dahilan siya para magalit sa'kin." I clarified to him. "What's the reason behind that, St. Martin?" I asked with full venom.

"Brace yourself for my answer, Jaguar... because I also want her. Noong una pa lang na nakita ko ang picture niya sa wallet mo. Pero hindi ko na kailangang sabihin sa'yo kung kelan pa. At kundi man niya 'ko gustuhin... sisirain na lang kita sa kanya. You're right, Rion, see you in hell," and the line went dead.

I gritted my teeth in anger but tried to calm myself. Hindi ko lang maipapangakong maging kalmado kapag nagkita kami ni Vaughn.

Mayamaya ay pinasok ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at sa halip na pumasok sa loob ng bahay ay inakyat ko ang puno na nasa tapat ng kwarto ni Dollar.

I watched her sleep for minutes then went to my room.

'Been in hell, Vaughn, and I'll make sure not to go back...

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon