Bonding with my Enemy

9.4K 179 6
                                    

Shamari's POV


"Shalami!" Dollar waved at me. "Halika, tabi ka sa 'kin!"at minuwestra niya ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Ugh! Dito na nga ako pumuwesto sa likod nang makita ko kanina na nandito rin siya pero nakita pa din niya 'ko. This girl is a complete nuisance! I am sure that my night will be ruined!

Lalong nadagdagan ang inis ko ngayong gabing 'to. Labag sa loob ko ang pagpunta sa beauty contest na 'to sa Brgy. Onse pero dahil inutusan ako ni Don Marionello, na siyang pinakamalaking sponsor ng event na 'to, hindi ako pwedeng tumanggi. But I hate crowded places! Ayoko ding makipagsiksikan sa mga tao, at lalong makipag-asaran at pagtiisan ang presensya ni Dollar.

Kanina ko pa siya nakikita dahil nasa bandang unahan siya naka-upo at nangingibabaw din ang pagsigaw habang may hawak pang banner. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit hindi ako agad umalis at nanood pa pagkatapos kong batiin ang Brgy. Captain. Ang inutos lang sa 'kin ay ang maging representative ni Don Marionello, hindi ang manuod pa.

"Shamawi! Shamawi! Shamawi!" tawag pa ni Dollar sa akin.

Nagtitinginan na ang mga tao sa direksyon ko pero hindi ko pa rin siya iniintindi. Bahala siyang mapaos.

Tutal paalis na rin naman na ako. Pero napabalik ako sa tayo ko nang makita ko ang pamilyar na mukhang 'yon.

That man! 

Natuto na 'ko ng aral na mas maganda pang iwasan ang mga taong katulad niya kaysa makapag-asaran pa. Grrr! What an unfortunate night for me!

Naglalakad siya sa direksyon ko kaya wala akong choice kung hindi ang umiba ng direksyon para hindi niya ako makita. Malas! 

For a moment, hindi ko alam kung saan susuling. 

"Hoooooooo! Goooo! Euuuuunaaaaa!" naririnig kong pagtsi-cheer ni Dollar. 

Tama! Lumakad ako kung saan naka-upo si Dollar.

Yeah. Mas matitiis ko pa ang kakulitan ng babaeng 'to kesa sa lalakeng 'yon. Malas. Malas talaga! Pero may lalake ng nakaupo sa kaninang inaalok na upuan ni Dollar.

"O, Shawali, gusto mo na bang tumabi sa 'kin?" napalingon siya sa akin nang nakangisi habang winawagayway pa din ang banner na mukhang ginawa ng kinder. 

I didn't answer pero tiningnan ko lang ang lalakeng katabi niya at ibinalik ang tingin sa kanya. Kinulbit naman ni Dollar ang lalake at, "Ahm, kuya pwede po bang paupuin niyo na lang po siya kasi buntis po siya at hindi po pwedeng nakatayo siya nang matagal, Di ba ' give priority to pregnant women' naman?" and then she smiled at the man. 

Iyon lang at walang kahirap-hirap na napaalis niya ang lalake. Pero pagkatapos akong pasadahan ng malisyosong tingin. What the---?

Ugh! Nagtitimpi lang ako sa babaeng 'to talaga! Ang daming idadahilan pero bakit iyon pa!

"Hehehe, Ok ka na ba sa pagkaka-upo mo, Shawali?"  Dollar grinned at me.

"Yeah, thanks to you." I answered sarcastically. At sumilip sa bandang likuran.

"Hindi ko akalain na uma-attend ka din sa mga ganito, Shawali! I'm so happy, you know, wala kasi akong kasamang nagpunta dito, but I have you now! Ang saya! Punta tayong perya pagkatapos neto ha?" animated na animated talaga siyang magsalita kahit kelan.

"Why? Are we friends?" masungit kong tanong. 

"Hahahahaha! That's what I like about you, ang sungit mo! Para kang si Zilv minsan!"

Napalingon ako sa kanya. Zilv? Are we both thinking the same man?

"Gooooo, Euna!" sigaw ni Dollar nang humilera ang mga contestants para sa announcement ng magiging winner.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon