MALDITA 28

842K 21.8K 5.7K
                                    

Maldita 28

Paalis na sana ako ng bahay noong dumating si Hannah. She's beeming from ear to ear noong nakita ako at agad nya akong niyakap.

"Mababayaran na kita! Naibalik na lahat ng credit cards ko, hindi na din naka-freeze ang accounts ko. Oh my, mayaman na ulit ako. At dahil dyan, itre-treat kita. Shopping tayo." Sinabi nya ang lahat ng 'yon habang yakap ako. Sa sobrang tuwa nya hindi nya ata napansin na malakas din ang boses nya. Ganoon ba talaga kapag mataas ang energy mo, pati boses mo nagiging malakas din?

Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya bago pa ako mabingi.I gave her a puzzled look when I saw her outfit, she's wearing a colorful long skirt, whitet-shirt that says 'I love Boracay' and a pair of black snickers. May suot na naman syang salamin at basta na lang itinali ang mahaba nyang buhok.

"Anong attire 'yan?" Tanong ko.

"Pangit ba?" Pagbabalik nya ng tanong at tinignan pa ang suot nya.

"Huwag mo akong tanungin, kung ayaw mong masaktan." Napasimangot naman sya sa sagot ko saka yumuko. Mukhang hindi ko ata talaga mababago ang pananamit nya. Akala ko pa naman noong ipinag-shopping ko sya, magkakaroon man lang sya ng konting taste sa fashion.

"Pasensya na, hindi lang siguro talaga ako sanay na makita na ganyan ang suot ng mga kaibigan ko. Well, kung dyan ka kumportable eh di go. Ikaw 'yan eh. Come to think of it, hindi kita mapapansin noon kung hindi dahil sa pananamit mo." Natatawa ko pang sabi habang inaalala ang first meeting namin noon.

"Buti ka pa, kahit nilalait-lait mo ang suot ko, nagagawa mong bumawi. Hindi katulad noong babaeng 'yon. Hay." May halong inis ang tono ng boses nya.

"Sino?"

"Wala. Tara na, mukhang paalis ka na din naman eh." Hinawakan nya ang kamay ko at inakay ako palabas. Tinanggal ko naman 'yon.

"Tignan mo 'to, ikaw ang nag-open ng topic tapos noong inusisa ko sasabihin mo wala? Alam mo bang nakakainis 'yung ganon? Cliffhanger." Nilingon nya ako saka ako sinagot.

"Sige na nga. 'Yung girlfriend ni Kuya na mukhang tuko. Hay, ayoko sanang mainis sa kanya kaya lang pangalan pa lang nya, nakakabwisit na."

"Si Haley?" Paninigurado ko.

"Bakit mo kilala?" Gulat na tanong nya.

"Nagpunta kasi 'yon sa School, nakipag-away sa mga babaeng umaaligid daw sa Kuya mo. Nagkagulo eh di inayos ko at ang lakas ng loob nyang makipagsagutan sa akin. Grabe, kung nandoon ka lang noong nagkasagutan kami, malamang nag-enjoy ka na makita ang mukha nyang talunan. Hay nako, kapag naiisip ko sya, nasisira agad ang araw ko. Isama mo pa 'yang Kuya mo na sobrang yabang. Tapatin mo nga ako, saan ba ipinaglihi ang Kuya mo? Sa hangin?" Natawa naman sya sa sinabi ko. Hindi pa nakuntento sa simpleng pagtawa at humawak pa sa tyan nya hanggang sa mapaupo na sya sa may sahig. Ok, masydong OA ha.

"Ang saya mo ha. May bukas pa."

"Sorry, natatawa lang kasi talaga ko. Parehong-pareho kayo ni Kuya. Alam mo bang itinanong din nya sa akin kung saan ka ipinaglihi? Baka daw sa sama ng loob ka ipinaglihi kaya hindi mo makuhang ngumiti. Ang sungit-sungit mo pa daw. Ever since na mag-umpisa syang magtrabaho sa School mo, araw-araw syang may reklamo tungkol sa'yo. Believe it or not palagi ka nyang bukang bibig, mapa-almusal, tangahalian, meryenda at hanggang hapunan. One time nga noong naabutan nya akong nanonood ng 'My Sassy Girl' bigla nyang pinatay, naalala ka daw kasi nya doon sa bidang babae." Tawang-tawa sya habang nagkwekwento.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa ikinwento nya. Maiinis ba ako, matatawa, mabwibiwisit o ano. But my mind decided na mabwisit. Mas madali 'yon kesa ang matuwa. Wala namang nakakatuwa sa kwento nya. Ang kapal ng mukha nya para magreklamo tungkol sa akin.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon