Chapter 6: I CAN'T STAND HER!

7.9K 183 6
                                    

Chapter 6: I CAN'T STAND HER!

Denden's POV

Nakakatamad pumasok ngayon. Bwiset

Monday na monday tinatamad ako!

Haaaay. Pero wala silang magagawa. Pag ayoko, AYOKO.

Tinext ko si Bang at Gretch, sabi ko wag na din silang pumasok at magkita nalang kami sa tapat ng gate.

Pero ang reply nila nasa school na sila -___-

Aish. Bakit ang aga ata nilang pumasok ngayon?

Sabagay, masipag naman talaga sila, ako lang hinde.

Saka matalino din sila, pati ako rin pala matalino. ANGAL?

Tss.

Sino na tuloy makakasama ko ngayon?

Nag-isip ako ng pwedeng itext.

Napabangon ako sa higaan ng maalala ko si megaphone.

Susunod naman siguro yun. Hehe

Nagmadali akong maligo tapos nagbihis ng uniform ko.

Tinext ko siya habang naglalakad papuntang school.

To: MEGAPHONE

Wag kana pumasok sa next subject.

.....SEND.....

After 5 minutes nagreply siya, aba nakapagtext siya sa class?

Matindi manghuli yung Math teacher namin eh.

From: Megaphone

I can't. Nakapag attend nako ng first subj. Mahirap na magditch ng class after eh. Why?

Nagtanong pa? Tss

Nakakairita talaga siya.

To: MEGAPHONE

Wag ka ng magtanong. Gumawa ka ng paraan para makalabas ng school. Magdrama ka kung kinakailangan. Hihintayin kita. Pag hindi ka dumating lagot ka sakin.

....SEND....

AYAN! 5 mimutes nalang at nasa school nako kaya nagmadali nako.

Hinintay ko siya sa backgate at 2 minutes na kong nag-aantay wala pa din siya.

Ayoko pa naman sa lahat yung pinag-aantay ako kaya tinawagan ko na siya.

Palabas na daw siya.

Wow. Sumunod siya sakin. Mabuti naman kung ganun. HWAHA!

Tinanong niya ko if may problema ako. Problema? Wala. Tinatamad lang akong pumasok.

Kaya inaya ko siya na magdate kami.

Ok. Trip ko lang yun.

Straight ako kaya WA-LA-A-KONG-GUS-TO-SA-KAN-YA!

Gusto ko lang siya mainis.

Kaya ayan, pagkasabi ko palang nung date nag-alboroto nanaman siya.

"PWEDE BA! ALAM MO BANG KUMAKALAT SA SCHOOL NA NAGDADATE TAYO?! JUSKO! KAYA KA SIGURO INIWAN NI MYCO KASI ANG PANGIT NG UGALI MO! UUTUSAN MO YUNG TAONG MAGSINUNGALING SA TEACHER PARA LANG MAKIPAGDATE SAYO?! DAHIL LANG GUSTO MO MAKIPAGDATE?!"

Yan ang mismong sinabi niya.

GALIT eh.

Medyo nainis ako sa sinabi niya.

Kung makapagsabi siya kala mo may alam siya samin.

Kaya nagpanggap ako na galit at sinabing papalipasin ko yung nangyari ngayon.

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon