Chapter 2: About Denden

10.6K 208 9
                                    

Chapter 2: About Denden

Alyssa's POV

" Hoy! Wala kang karapatang banggitin nickname ko! DI TAYO CLOSE! "- mukhang naiirita niyang sabe sabay irap.

" Ms.Valdez and Ms.Lazaro, please tone down your voice! "

" Ang arte mo! Pero nung katext kita kala mo kung sino kang santo na nakikiusap. Tsk. Mga tao talaga. Ikaw yun diba? Yung nagtetext sakin? "

" Bakit ikaw? Mukhang mabait pero hindi naman pala! "- maarte niyang sabe

ABA!

" Wala kang pake! Saka, mabait ako no! Pwera lang sa mga taong katulad mo! "

" Pakialam ko? Tss. "

Napakabwisit niya! >.< Psh.

Akala mo kung sinong maganda! EXCUSE ME! Hindi siya maganda! Mukha siyang maldita!

Hmph!

Tumingin ako kay Fille.

Nakita ko siya kinakausap niya yung seatmates niya.

Bakit parang wala siyang problema? Ang saya saya niya pa oh!

Hindi katulad ko, stuck up sa taong to! Ay teka, tao ba to? Aish

Paglingon ko sa kanya nakarest yung ulo niya sa armchair, tapos nakapikit.

Tinitigan ko siyang mabuti.

Hmm.. ang cute ng lips niya, tapos para siyang bata pag tulog.

Wag na nga lang siyang gumising! -.-

Natapos ang dalawang subjects namin ng tulog lang si Denden.

Grabe, ibang klase talaga siyang student no? Napaka active.

"Aly! May papakilala ako sayo!"

Paglingon ko kay Fille, may kasama siyang dalawang girl.

"Aly, Meet Gretch and Shiela or Bang."

Tinuro niya yung nasa left niya, si Gretch yun. Yung nasa right naman si Shiela or Bang daw.

" Guys, si Alyssa. Bestfriend ko. "

"Hi! Nice meeting you." tapos nagsmile ako.

Infairness, maganda sila pareho.

"Hi Alyssa!"sabi ni Gretch habang winewave niya yung kamay niya at nakasmile.

Ang kulit niya! Ang cute.. mukha siyang kalog.

" Nagugutom ba kayo? Tara, samahan na namin kayo sa canteen. "- sabi naman ni Bang

Napatingin siya kay Denden na natutulog pa.

" Denden! Break na! Gumising kana! "

Gumalaw si Denden at unti-unting binuksan yung mga mata niya.

Lahat kami nakatingin sa kanya.

Tumayo siya at lumabas ng classroom. Tapos paglabas niya may nagtilian na mga babae, nagkantyawan at naghiyawan na mga lalaki.

Anong meron?

" Tara canteen tayo. "

" Hinde, sige kayo nalang. Hindi pa naman ako gutom eh. " nagsmile din si Fille bilang sagot.

" Sige kayo nalang.. hindi pa din ako gutom eh. "

Paglabas din nung dalawa nakarinig nanaman kami nung kagaya nung lumabas si Denden.

Ano bang nangyayari sa labas?

May lumapit saming babae.

"Masanay na kayo sa ingay. Sikat na sikat kasi yan dito pati nadin sa ibang school. Sila kasi yung pinakamagagaling na Volleyball player dito. Tapos mas magaling din sila sa magagaling na Volleyball player sa ibang school. Mayayaman, magaganda at matatapang. Palaban sila, kahit lalaki kaya nila."

I hate her because I love her (AlyDen)Where stories live. Discover now