Chapter 41: Confuse

3.4K 96 26
                                    

Chapter 41: Confuse

ALYSSA'S POV

"ATE! Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa dyan paikot-ikot sa upuan! Hindi ako maka focus sa pinapanood ko kasi napapatingin ako sayo!" sabi ni Rex habang nakatayo siya. Umikot na naman ako sa sofa. Hinde ako mapakali sa nangyayari sa buhay ko ngayon. "ATE!!! ANO BAAAA!!" sabay kamot niya ng ulo. Lumapit siya sa akin tapos hinila ako pabangon, "Umupo ka na lang ha? Hindi ko mapanood yung pokemon ng maayos eh!"

"Ang tanda tanda mo na pokemon parin pinapanood mo. Halos magkasing tangkad na nga kayo ni kuya eh." humiga na naman ako sa sofa.

Ngumuso si Rex, "Hindi lang naman pambata yung pokemon no! Meron nga mas matanda sakin nanonood ng pokemon eh!"

"Whatever you say, dork."

"Wag ka ng umikot, ha? PLEASE?"

"Pag hindi ako umikot baka mabaliw ako! Gusto mo bang mangyari yun?" umupo sa may paanan ko si Rex, "Hindi ko na nga alam gagawin ko eh!"

"Bakit? Ano ba kasi nangyari? Si impakta na naman ba?" tanong ni Rex sakin habang nakasalubong yung kilay niya.

Hindi pa rin niya kayang maging kaibigan ulit si Denden dahil sa nangyari sa aming dalawa. Hindi na niya binabanggit yung pangalan ni Denden dahil umiinit yung ulo niya pag naalala niya yung nangyayari.

Wow, parang siya yung naloko no?

"Ate? Bakit natutulog ka ng gising?" hinampas hampas ako ni Rex sa may paa ko, "Ano na nangyari? Bakit ba ang wirdo mo ngayon? Tama ako no? Yung babaeng yun na naman!"

"Hinde siya! Bakit ba siya yung una mong naisip? SIYA LANG BA YUNG TAONG GUSTO KO?!"

"Oo. Obvious ba." sabi niya na may seryosong mukha.

"HEY!!!!!!" napatayo tuloy ako sa pagkahiga ko ng di oras.

"ANO!!!!!" sigaw ni Rex

"HOY KAYONG DALAWA!"

Napatingin kami ni Rex sa may likuran namin. Nakita namin si Fille at Kuya mukhang nairita dahil sa ingay namin ni Rex.

"Sorry po." sabay naming sabi.

Pag sorry namin bumalik ulit sila sa kanya kanya nilang kwarto.

"Ikaw kasi eh!" sabay ulit naming sinabi tapos natawa kami bigla.

"Di nga, seryoso. Ano nangyari?" napatingin ako sa taas, baba, kaliwa at kanan.

Nagkamot ng ulo si Rex.

"Kasi.. ganito yun.. May kaklase ako, tapos may gusto siyang babae, yung babeng yun may boyfriend. Eh may gusto rin sa kanya yung babaeng gusto niya dati tapos ngayon may babaeng lagi siya nakakasama tapos kaibigan yun nung babeng gusto niya kaya nagkakasama parin sila tapos yung babaeng gusto ni--"

"Ulitin mo nga. Hindi ko naintindihan. From the top. Saka kung ok lang, bigyan mo sila ng pangalan."

"Ganito, may kaklase ako, babae yung friend kong yun pero meron siyang gustong babae si Ms. X."

"Oh anong kinalaman mo dun sa friend mo at kay Ms.X?"

"Hindi pa ko tapos pwede?" tapos ngumiti sa akin si Rex.

"Si Ms. X dating may gusto din dun sa kaklase ko pero ngayon may boyfriend na siya. So yung classmate ko nalungkot ng sobra sobra. Nung mga araw na malungkot siya may nagcocomfort sa kanya, si Ms. Y."

"Ano ba yan. X, Y, meron pa bang Z?" hinampas ko si Rex sa ulo.

"Pwedeng makinig ka na lang? Kasi kung lagi kang sisingit hindi ko na lang itutuloy."

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon