Chapter 47: Truth

3.6K 111 27
                                    

Chapter 47: Truth

DENDEN'S POV

I know madami akong nagawang pagkakamali sa buhay ko.. pero bakit ngayon lang ako pinaparusahan ng ganito?

Kung kelan nagbabago nako.. kung kelan nagkaroon ng daan yung buhay ko.. kung kailan alam ko na talaga yung gusto ko, saka pa ko kailangan maparusahan.. saka pa nawala sakin lahat.

Bakit ba kailangan pang maging kumplikado yung buhay ko? Inaayos ko na nga yung masamang nagawa ko diba? Pero bakit parang hindi pa sapat? Tinatanggap ko na lahat ng sakit para lang maproktektahan ko yung taong mahal ko.. pero bakit ganun? Ako pa rin yung natraydor sa bandang huli? Mali ba? Kung oo.. ano sa mga ginawa ko yung mali? Saan ako nagkamali?

Hindi ko na alam.. ang hindi ko rin maintindihan.. bakit si Mika? Hindi naman sa sinasabi kong hindi kagusto-gusto si Mika, pero kasi alam niyang may past na sa amin ni Mika eh. Saka, kung matagal na pala niyang gusto si Mika.. bakit pumayag pa siya na maging kami? Bakit pumayag pa siya kung hindi naman pala ako yung pipiliin niya?

Ang labo diba? Pati pamilya ni Mycs galit sa akin.. ako sinisisi nila dahil ayaw magpaopera ni Mycs.. ano namang kinalaman ko dun? Sinabi ko naman ng maayos sakanya na si Alyssa talaga yung gusto ko, na siya lang talaga. Pero bakit kailangan niya pang pahirapan yung sarili niya?

Nakakaasar talaga. Pero mas nakakaasar parin yung nangyari samin ni Aly. Halos araw araw akong nagmamakaawa sa tapat ng pamilya ni Mycs para lang hindi na siya madamay tapos nabalewala lang.

"Bakit nandito ka nanaman?" napalingon ako sa may likuran ko at nakita si Mycs na nakatayo.

Umupo siya sa sofa na malayo sa tabi ko, "Sabi kasi ni Tita nakalabas ka na raw ng hospital. Ok ka na ba?"

"Ok naman ako ah. Sila lang naman nag papakumplikado eh."

"Bakit ba ayaw mong magpagamot? Diba napag-usapan na natin to dati? Na mag papagamot ka? Ano na naman bang problema?"

"Wala. Bakit? Anong akala mo? Dahil sayo kaya ako nagkakaganito? Denden.. kilala mo ako.. papayag ba akong bumalik ka kay Alyssa kung alam kong may something pa satin?" napailing siya, "Pinilit ka ba nila mommy? Sinaktan ka na naman ba ni Analie?"

"Hindi.. walang pumilit.. walang nanakit. Hayy. Para sayo ata talaga ako eh."

"Huh? Eh si Alyssa? Ok lang ba sa kanya?"

Si Alyssa nanaman.

"Oo. Tss. Bakit naman siya hindi papabor dun.. eh pinili na niya si Mika."

Napatingin bigla sa akin si Mycs. Parang nagulat siya sa sinabi ko. Kahit naman sino magugulat eh. Sa lahat ba naman ng piliin niyan ni Alyssa si Mika pa! Tss. Walang kwenta.

"Si Mika? Sigurado ka ba?" tumango ako, "Baka naman may dahilan siya kung bakit niya yun ginawa?"

"Oo si Mika. Dahilan? Anong dahilan? Wala akong maisip na ginawa kong mali sa kanya simula nung naging kami ulit.. Ginawa ko ang lahat para lang maging masaya siya.. pero ewan ko.. hindi ko na maintindihan.."

"Oh? Sigurado ka..?" tumango ako, "Umm.. baka naman kasi.. may iba pang dahilan? Like.. may sakit siya?"

"Mukha niya. Ewan. Bahala siya." yun nalang sinabi ko.

I hate her because I love her (AlyDen)Where stories live. Discover now