9th Fall

9.3K 174 8
                                    

9th Fall
Queen



"So this is your home?" Tanong ko sa kanya habang inaalalayan niya akong makababa sa kotse nya.

"Yes." Sabi niya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na sa loob. Naka-pass code na ang bahay niya. Hindi na kailangan ng key. Medyo modern yung style ng bahay niya. Puro glass yung mga walls.

"You're living alone?" I asked.

Walang tao sa loob. Kahit kasambahay ay wala siya. Pero kahit na ganun ay napapanatili niyang malinis yung bahay niya. O siguro may cleaning lady siya na hindi stay-in.

"Yes, Kalisha. Since I became a doctor, naging independent na ako. My parents are now living in Australia."

Wala pa akong masyadong alam tungkol sa kanya except for his name and age. Ang galing nga eh. Nauna yung feelings. Well, wala naman akong magagawa tungkol dun. So am I finally admitting na may feelings ako? Hindi naman kasi ako manhid na hindi i-recognize iyon.

"Do you want something? Water?" Tanong niya sa akin nung nasa loob na kami.

Umiling ako bilang sagot. Medyo kinulit pa na niya ako kung anong gusto ko. Pero wala naman talaga.

Ang unang bumungad sa pinto ay ang living room niya. May isang napakalaking flat screen television tapos mga sofas at mini table. Itinuro niya ang sofa para umupo ako. Nagpaalam siya na maliligo lang at babalikan daw ako. He also said na libangin ko ang sarili habang wala pa siya.

Nung hindi ko na siya nakita sa hagdanan ay tumayo ako. Lumapit ako sa isang cabinet na punong puno ng awards, trophies, at medals niya. Hindi ko mapigilan na mapahanga. Isa pala siyang soccer player nung nasa high school siya. May mga picture nga na nag-champion sila.

Hindi ko mapigilan na ngumiti. I'm so proud of him. Very proud. Tiningnan ko ang kabila pang cabinet. Diplomas naman nito na may mga medals.

Marshall International Academy?

Ito ang nakasulat na school sa mga diplomas niya nung nag-high school at college siya. Napakunot ang noo ko at may pinilit na inaala. Lumapit pa talaga ako sa mga diploma niya kung tama ang nabasa ko.

I suddenly snapped my fingers. Naalala ko na. Sa Marshall International Academy kami pumasok ni Ate Ayesha noon. Nagtransfer nga pala kami duon nung nag Grade 7 ako habang siya ay kumukuha na ng Med Tech. Duon namin napiling pumasok para magkasama kami sa iisang school. From Elementary to College ang kaya nilang i-offer eh.

So may possibility na kilala ni Sawyer ang Ate ko? Parehas lang kasi ng field yung course nila, parehas na pang Pre-Med. Pero kung nangyari man iyon ay mababanggit niya sa akin. So far, wala pa naman. Tsaka hindi naman nakatapos si Ate sa kurso nito dahil sa nangyari sa kanya.

Nakarinig ako ng yabag sa hagdanan. Nilingon ko si Sawyer na medyo basa basa pa ang buhok. Nakasampay pa sa balikat niya ang maliit na towel.

Lumapit siya sa akin. Inabot niya ang maliit na towel sa akin at itinuro ang buhok niyang basa. I chuckled a bit because of his childishness. Masyado naman siyang mataas para maabot ko ang buhok niya. Medyo tumawa siya dahil hindi ko abot. Kasalanan ko ba na sobrang tangkad niya?

"Pinagtatawanan mo ba ako, Iann Sawyer Schroeder?" Pikon kong tanong sa kanya.

Mabilis na tinikom niya ang bibig. Itinaas niya pa ang dalawang kamay na tanda ng pagsuko. Umiling iling siya at may binulong. Hindi ko naman pinansin iyon at pinaupo siya sa sofa. Pagkatapos ay pinunasan ko na ang buhok niya.

"Sa MIA ka pala nag-gradute?"

Hindi ko mapigilan na sabihin sa kanya. Kahit naman nakita ko ay gusto ko marinig mula sa kanya. Naramdaman kong napatigil siya. Nilingon niya lamang ako tapos nilingon ang mga frames sa cabinet. Tumikhim nuna siya bago magsalita.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now