2nd Fall

15K 257 15
                                    

2nd Fall
Feeling



Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero imbis na ireport ko ang pagkawala ng phone ay isinilid ko ito sa pouch ko.

What am I thinking? Mayroon naman akong phone. Even though mas high quality yung kanya dahil latest version.

Natapos ang party na ang laman ng isip ko ay ang lalaking nasa wallpaper. How can he invade my mind just like that? I can't even explain what I'm feeling right now.

Nakauwi na kami ng bahay. I was about to sleep pero biglang nagbeep yung napulot ko na phone. Nag hesitate pa ako kung bubuksan ko ito dahil baka isipin nung may-ari na napakapakielamera ko. Or maybe truly I'am.

Hindi ko namalayan na binuksan ko na pala ang phone. Ang notification ay isang message.

0977*******:

The phone is mine. So take care of it until you give it back. Thanks.

Natawa ako sa message na ipinadala niya. Para bang kinokonsensya niya ang nakapulot ng phone niya. How smart.

Hindi ko na siya nireplyan dahil baka magsisi lang ako sa huli. I turned the phone off. Gusto ko nang isauli ang phone pero naalala ko na hindi nga pala ako pwede lumabas. Baka kay Manong ko na lang ipahatid ang phone.

Nakaramdam ako ng panghihinayang kung hindi ako ang magsasauli ng phone. Sayang naman at hindi ko siya makikita personally.



"I'm so sorry class for leaving this early. I hope you'll understand."

My biology teacher, Mrs. Hernandez is resigning because she's currently pregnant. Hindi lamang namin siya teacher kundi adviser din. She kept on apologizing kasi aalis siya in the middle of the first semester. We made memories already since the first day, so we are sad knowing that she will leave.

"Wag kayo mag-alala, class! Siguradong matutuwa kayo sa papalit sa akin." Napaka-hyper niya itong sinabi.

Nagtaka ang mga kaklase ko kaya madaming nagbulungan kung ano ang ibig sabihin niya. Maybe the 'she' or 'he' teacher is an excellent one. Also, St. Andrea's Academy will never accept a not so high class educator specially in Senior High School.

St. Andrea's Academy is a well-known all girl school. Mostly kasi ng napasok dito ay mga heiress, Politicians' daughters, and such.

"So, wag na natin patagalin ito. I bet you'll not get sad anymore kapag nakilala niyo ang papalit sa akin." Pagpapatuloy niya sa sinasabi.

Lalong naging curios ang klase. Therese and her group are already sqealing. Siguro alam na nila kung sino ng papalit kay Ma'am. They are all smiling like an idiot.

Bumuntong-hininga na lamang ako. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa sa libro ko. We have a quiz later. Siguro mas makakabenipisyo pa ako sa pagbabasa kaysa sa pagpapakilala ni Mrs. Hernandez sa bagong teacher.

I was about to flip a page of my book nung biglang nagsigawan ang mga kaklase ko. Tumilapon pa ang libro ko dahil sa tulakan ng mga katabi ko.

Habang dinadampot ko ang libro sa sahig na nasa harap ko ay narinig ko na pinakikilala na ni Ma'am ang bagong teacher. Pero dahil sa ingay ng mga kaklase ko, hindi ko malinaw na narinig ito. Napulot ko na ang libro at umupo ng ayos bago marinig ang isang hindi pamilyar na boses.

"Quiet, class."

Napaangat ako ng tingin sa unahan. Bahagya akong napanganga sa bagong teacher na nasa unahan namin ngayon. Kaya pala ang mga kaklase ko ay hindi mapigilan mapasigaw sa sobrang kilig dahil sobrang gwapo nito. He looks like a model from a popular brand of underwears, literally he is.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now