27th Fall

7K 97 3
                                    

27th Fall
Engaged



"Agatha, sorry talaga. Ayoko talaga sumama eh pero kailangan ako nina Nanay."

Umiling iling ako sa sinabi niya. Her family needs her more than I do. Lumago na kasi ang business nila. Susubukan ng parents niya na magtayo ng branch ng restaurant nila sa Amerika. Masaya talaga ako para sa kanila.

"Celine, para sa inyo ito. Huwag mo nga akong intindihin." Sabi ko sa kanya.

Napaungot siya sa sinabi ko. Lalo pa siyang sumimangot kaya napatawa ako.

"Kung kailan nandito ka na sa Cebu tsaka naman kailangan ko umalis. Nakakainis talaga." Sabi niya.

Kahit naman ako ay nalulungkot. Ngunit dapat nilang umalis. Hinawakan ko ang limang buwan kong tiyan at napangiti. Lumakas ang kapit ng bata nung nagsimula akong mag ingat, kumain at matulog ng tama.

"Pero wag kang mag alala. Babalik ako rito kapag manganganak ka na."

Niyakap ko siya sa sinabi niya. Ilang buwan niya rin akong pinagtiisan. Naging moody kasi ako at inaaway siya palagi.

"You have to go. Baka ma-late pa kayo sa flight niyo." Sabi ko.

Pinilit ko siyang hilahin palabas ng bahay ko. Naiiyak naman siyang naglakad.

"Para kang bata dyan! Magkikita pa tayo, Celine."

Natatawa kong sabi sa kanya. Medyo kinurot niya ang braso ko kaya nahampas ko siya.

"I'll miss you. Take care of yourself. Tawagan mo agad ako kapag may nangyari sa'yo at sa baby mo."

Tumango tango ako. Niyakap niya muli ako bago tuluyan ng umalis. Nanatili akong nasa gate at tiningnan siyang maglakad.

Nung wala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako sa bahay. Ni-lock ko ang gate tapos ang pintuan. Hinaplos ko ang tyan ko at tiningnan ko ang kabuuan ng bahay.

I guess its you and me against the world, baby.

Pinilit kong kalimutan ang mga problema ko. Ayokong ma-stress na pwedeng ikapahamak ng anak ko. I would never risk my baby's life for pety things. Pinilit kong maging masaya kahit naman alam ko sa sarili kong malungkot ako.

Pumasok ako sa kwarto. Hinanap ko ang lalagyan ng pera ko. Halos one hundred thousand na lamang itong natitira sa akin. Pinang negosyo ko kasi yung iba. Sumubok ako ng online business kasi hindi naman nakakapagod. Nakita naman ito kahit papaano.

Kailangan ko talagang tipirin pa ang sarili ko dahil ilang buwan na lang ay lalabas na ang anak ko. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na humingi ng tulong sa mga magulang ko. Naisip kong ang kapal naman ng mukha ko kapag ginawa ko iyon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatawagan ni Mom. Aaminin kong nasaktan ako dahil nangako siya sa akin. Pero umaasa lang naman pala ako sa wala.

Napagpasiyahan kong bumili ng ilang gamit ni baby. Kahit damit lang at lampin. Wala pa kasi akong nabibiling gamit kahit isa. Nagbihis lamang ako ng isang maternity dress para mapresko.

Sumakay na lamang ako sa tricycle. Natuto na akong nag commute sa pamamalagi ko sa Cebu. Mababait ang mga driver dito. Kapag naliligaw ka hindi ka nila pababayaan hanggang makapunta ka sa pupuntahan mo.

Kasalukuyan akong tumitingin sa mga crib ng baby. Napapaatras na lamang ako kapag nakikita ko ang presyo. Hanggang sa makita ko ang isang kahoy na crib. Maganda ang pagkakagawa nito. Natuwa naman ako nung makita ang presyo.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now