5th Fall

10.7K 232 20
                                    

5th Fall
Comfortable



Hindi ko mapigilan na mapahanga sa bawat buildings and establishments na nadadaanan ng taxi na sinasakyan ko.

Mayamaya ay nakita ko ang isang napakalaking building na may nakasulat na SMall. Siguro ito ang sinasabi ni Sir Iann. Medyo may kalayuan ito sa lugar namin. Mayroon na mas malapit na Mall sa St. Andrea's at sa mansiom pero nalampasan namin.

"Ma'am nandito na po tayo."

Napalingon ako sa driver ng taxi. Napatulala talaga ako sa Mall eh. Sa television or sa internet ko lamang nakikita ang mga yun.

Binuksan ko ang bag ko na at kinuha ang wallet ko. Kumuha ako ng isang one thousand bill. Binigay ko ito sa driver na agad nagpakunot sa noo niya.

"Kulang po ba?" Tanong ko sa driver.

Kasi kung kulang pa ay dadagdagan ko ito. Mukhang nataranta naman ang driver sa tanong ko. Mabilis itong umiling tsaka ngumiti.

"Sobra nga po." Magalang na sagot niya sa akin.

"Keep the change po." Sagot ko sa driver.

Lumabas na ako ng taxi. Pinilit ko na maging normal ang galaw ko kahit natataranta na ako kung saan pupunta. Medyo mataas ang building. Sa tantsa ko, mga five floors ito. Nakita ko ang entrance ng Mall na may security. Siguro sa kanila na lang ang magtatanong kasi baka abutin ako ng gabi bago makapunta sa paroroonan ko.

Habang naglalakad ako ay napansin ko na medyo nagtitinginan ang mga tao sa akin. Napatingin tuloy ako sa suot ko. May mali ba? Tumungo na lamang ako at nagmamadaling tinungo ang mga security.

"Uhm, excuse me po?" Sabi ko sa babaeng security na nag-check ng bag ko.

Nginitian ako nito. Tinanong niya kung ano ang maitutulong niya sa akin. Mabilis ko naman siyang sinagot.

"Saan po ang Starbucks?"

Medyo nahihiya pa ako sa pagtatanong ko. Mabilis na kumunot ang noo niya na may pagtataka sa mga mata. Sinuri niya ang mukha ko kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi naman kasi normal na hindi alam ng isang katulad ko ang mga lugar na iyon. Sa edad ko na ito, mahilig maggala. But not in my case.

"Sa second floor, tisay. Sakay ka lang ng escalator. Sa kaliwa lang nun makikita mo na."

Tinuro niya pa ang escalator na malapit sa entrance ng Mall. Agad akong nagpasalamat bago umalis. Siguro kung hindi ko napapanood ang mga ito sa tv, siguro mukha na akong tanga dito. Its my first time to use an escalator.

Kinakabahan pa ako na humakbang sa escalator. Pero dahil may mga tao sa likod ay bigla akong napasakay. Nung malapit na sa taas ay tiningnan ko kung paano sila humakbang. At tinulad ko ito.

Bumaling ako sa kaliwa ko. Tama ang babaeng security. May nakalagay na Starbucks sa taas ng pinto nito. Hindi na ako nagdalawang isip at pumasok dito.

Naghanap ako ng upuan na medyo sa sulok. Baka kasi may makakilala sa akin. Ayoko rin makakuha ng attention ng iba.

When I checked my wrist watch, medyo late na ako sa call time. Almost 15 minutes na akong late. Chineck ko bag ko kung nasaan ang cellphone.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang cellphone na ibabalik ko. May 23 missed calls na mula sa number na ginagamit ni Sir Iann. Magta-type sana ako ng reply nang makarinig ako na may tumikhim.

Agad na umangat ang tingin ko sa pinigmulan nito. Muntik ko na mahulog ang cellphone dahil sa taong nakatayo sa harap ko.

"Isn't that my phone?" Tanong niya habang nakangisi.

Falling BadlyWhere stories live. Discover now