Chapter 35**Lucky

4.5K 62 10
                                    

maiksing UD lang po. hehehe. kasi naman gagawa pa ko ng article para sa school paper.

bukas deadline ngayon ko lang gagawin. oha. hahaha. ako na walang kwentang editor-in-chief.

20+ reads at 5+ votes at go na uli sa next chapter!


--



Alex’s POV

“Sa kanan!”

“Dito?”

“Kanan ba yan?!”

Kulit talaga ng lahi nito ni Dwayne. Sabi ng iliko sa kanan yung ininstall naming CCTV sa condo ni Cyrus, nililiko sa kaliwa. Baligtad lang. Naman.

“Hep. Stop.” Hininto niya nga. Hahaha. “Kuha mo ko popcorn.”

“Bakit?”

“Sine to oh! Starring Cyrus and Lavender. Hahaha.”

“Bayad muna.”

=____= maka-pout naman to. Dinikit ko sa kanya yung cellphone ko. “Yan. Sangla mo.”

“Hai. Mahal mo ba ko talaga?”

“Ngayon ka pa nagduda? Ilang taon na tayo Dwayne! Ano ba!”

“Sofia? Lunch na. Di ka kakain?” nagsalita na si Cyrus. Kita namin. Hehehe.

“Patabi.” – Dwayne

Kita mo oh. Tampo pa kunwari, tatabi din naman pala sa’kin. Hahaha.

“Oo na. Eto na.” – Sofia

Lumabas si Lav. May kausap na naman. Iba na ba sikat? Laging may kausap dapat?!

“Maglu-lunch lang ako Gio. Ay. Baliw? Magpapalipas, kakain nga ko?! Hahaha. Sige. Bye.” – Sofia

“Gio na naman?! Psh. Sino ba yun?!” – Dwayne

“Affected siya oh…” – Alex

“Di kaya.”

Dinantay ko yung ulo ko sa balikat ni Dwayne. Ang cute naman ng nilalang na to. Hahaha. Nahawa sa pagiging affected ko. “Pinsan ni Lav yun.”

“Alam ni Cyrus yun?”

“Tingin ko, hindi.”

Lavender’s POV

Awkard lunch with an awkward guy. Makalabas lang ako dito, lagot ka sa’kin Alex.

“Sorry.” – Cyrus

Natigil ako sa kinakain ko. Sorry? For what? “Para saan?”

“Kasi nakasama mo ko dito ng labag sa loob mo. Sorry sa asawa mo…”

“Asawa?!” nagitla lang. Kasal na ko?! Hindi ako na-inform!

“Si Gio? May anak na din kayo di ba? Si Pepper?”

“Tsismoso.”

“Ha?”

“Nakinig ka nga nung kausap ko siya. Tsismoso.”

“Sorry.”

Silence.

“Maswerte siya sa’yo.” – Cyrus

“Sino?”

“Si Gio. He’s one lucky guy to have you.”

Ginusto ko ng umiyak nun. Tama na Cyrus please. Wag ka ng magpaasa. Wag ka ng magsalita ng ganyan. Baka umasa akong mahal mo pa ko. T^T

“Maswerte talaga siya.” Sabi ko sabay inom ng tubig. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Cyrus. Parang cinonfirm ko yung bagay na ayaw niyang paniwalaan. “Pero hindi ko siya asawa.”

“Ha?”

“Pinsan ko siya. Parang si Chris. Si Pepper, she’s my pet. A dog.”

Dala siguro ng pagod at imahinasyon ko, parang nangiti si Cyrus. Pero ayoko na din umasa. Pamilyado na yung tao. Lumugar ka Lavender.

--

Matapos mag-lunch, balik sa kwarto ni Cyrus. Ayokong masyado siyang makasama. Baka mabistong mahal ko pa siya. Dehado ako. Mahina na kapit ko. Ex lang ako eh. EKS.

At dahil pakialamerang kapitbahay ako, kinalkal ko lahat ng pwedeng kalkalin dito. Wala pa ring nagbabago sa lugar na to. Maliban siguro sa wallpaper niya. Pati yung arrangement ng furniture ganun pa din. Parang hindi tuloy lumipas yung five years. Nababalik tuloy ako sa panahon na masaya pa kami.

>_____<

Sa pakikialam ko, nakakita ako ng ikakadurog ng puso ko! Picture ni Charlie at Cyrus. Hai~ Kung hindi lang talaga hawig ni Cyrus tong batang to, malamang sinungitan ko na siya. Pero hindi naman niya kasalanan na lumabas siya sa mundong Earth di ba? Tanggapin ko na lang na wala na. Tapos na talaga kami ni Cyrus. No return, no exchange.

Ang sakit na makita ko si Cyrus na may nabuo ng pamilya at hindi ako yung asawa. May maliit na batang takbo ng takbo sa condo niya na hindi naman namin anak. Na sa mga araw na dumaan at dadaan, hindi na kami magkakasama.

“Sofia, labas na. Pwede ka ng umuwi. Tapos na ng maintenance yung pinto.”

Lumabas ako. Medyo lutang pa ang isip. “Thanks.”

“S-Sige.”

Sabay kaming tumalikod pero sabay din kaming humarap uli. Parang moment sa toothpaste commercial lang. We tried to smile pero masyadong mahirap. Five years ang dumaan and it scarred us both. And it’s all my fault.

“Sorry Cyrus. For everything. Huli man, pero sorry talaga.” Napalunok ako bago ko tinuloy yung sentence ko. “And I’m happy for you. I wish you all the happiness you deserve.”

Angel in disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon