Chapter 26**Sofia.Sofia.SOFIA!

4.9K 58 7
                                    

odk! 4k+ reads. seryoso? grabe naman. ang flattered sa feeling. ((:

salamuch sa lahat ng readers! :**


--


Cyrus’ POV

Second day ko na ngayon bilang isang photography student. Hindi naman sa pagmamayabang pero mas madali pa pala to kesa sa una kong course. Hindi rin naman hassle sa’kin na humabol sa mga subjects na na-miss ko kasi napaka-supportive ng girlfriend ko. Teka. Ulitin ko lang. GIRLFRIEND. Hahaha. Mababaliw na ko. Ang sarap kasi ulit-ulitin tapos ang lagay, mahal na niya ko. Ano pang mahihiling ko? Walang tutol sa pagkuha ko ng course na to. Gusto ko ang ginagawa ko. At suportado ako ng babaeng pinakamamahal ko. Yan pa nga humabol sa mga prof ko.

**If you ever leave me baby leave some morphine on my door

Cause it will take a whole lot of medication…**

CALLING: 09********* < unknown number >

Pustahan si Sofia to. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano number niya. Tss. Lagi kasing iba-iba. >.<

“Hello?”

“Cyrus!!!!”

“Sofia? Bakit?”

“San ka?”

“Papasok na sa room. Business math.”

“May business math ka pa rin? Hayaan mo na yan. Dito ko sa gate. Dalian mo. May five minutes ka para marating ako dito.”

“Five minutes? Teka…”

“Four minutes and fifty-eight seconds…”

Psh. Screw it. Ngayon pa lang naman ako aabsent sa subject na to.

**

Four minutes and fifty-eight seconds eksakto yung dating ko sa may gate. Buti na lang! Tsk. Nakakatakot ma-late kay Sofia eh. Talagang pinaparusahan ako. Pinapabalik-balik ako sa school building ng hindi gumagamit ng elevator, patatakbuhin sa quadrangle… Kapag siya talaga kasama ko, hindi ako kinukulang sa exercise.

“Kotse mo?”

“Ha?”

“He? Kotse mo nga?”

Angel in disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon