Chapter 16 **Trust

5.2K 60 6
                                    

vote and comment puhlease. smiley.



sorry. dapat may picture sa gilid kaso tinopak connection kaya, join na lang po kayo sa group namin. (:

justlove.wattpad@facebook.com


#segway



--


“How dare him! Sino ba siya sa akala niya?!”

“Ah… Dwayne Larete?”

“Lav… Hindi ka nakakatulong.”

“Anong gusto mo? Tawagan si Dwayne at bugbugin?”

“No. I want him to suffer more!”

“Haaaa~ Ano bang nagawa ng tao sa’yo?!”

“Ikaw… Sino ka at anong ginawa mo sa bestfriend ko?!”

Tinawagan ko si Lav at ngayon nasa bar kami.  Sa pagkakaalam ko kasi siya lang sa ngayon ang nakakaintindi sa’kin. Pero mali ako. Kampi pa yata kay Dwayne tong bruhang to.

“Ghad. I hate him.”

“Bakit ba? So nahuli niya yung intension mo. So what?”

“Isa siya sa mga lahi ng lalaking manloloko. Gusto ko siyang magdusa!!!!!!!!”

“Ok. Uwi na tayo Sandy. Lasing ka na.”

“Lav! Hindi mo naiintindihan!”

Napahinto ko si Lav. Alam ko kung anong kaya niyang gawin pero badtrip talaga ako. Ang sama ng pakiramdam ko sa di ko malamang dahilan.

“Alexandra Jan Santiago, pupunta ba ko dito kung hindi ko naiintindihan? Tingin mo hindi ko alam kung anong nangyayari dito, sa’yo?”

Yumuko na lang ako at naiyak. Bakit ba ang talino niya kasi?! Oo… Nagsimula lahat two years ago. Baliw na baliw ako sa boyfriend ko nun. Kung ira-rate sa 10 yung pagmamahal ko sa kanya, siguro nandun ako sa 100. Malay ko naman na mahal niya din pala bestfriend ko? Di pa siya nahiya nu? Lahatin na kaya niya populasyon ng Pilipinas?! Naghiwalay kami at nagkatuluyan sila ng ‘bestfriend’ ko.

Bilang pasasalamat sa kanya, nagpaganda ako para makita niya yung kawalan niya. Sorry, nakipagbalikan siya sa’kin. Binalikan ko kahit alam kong hindi pa sila hiwalay ng ‘bestfriend’ ko. Para ibalik din sa kanya yung sakit na binigay niya. Tinuruan ako ng good manners eh. Dapat di ba share your blessings? Eh di sampal sa kanila yung nangyari! Mga matitinong lalaki kasi… EXTINCT na.

“Lav… Sorry…”

“Ayos lang. Diyan ka lang muna k? CR lang saglit.”

Nagpunas ako ng luha ko at sakto namang may sumulpot na panyo sa harap ko. Tss. Hindi ko kailangan… DWAYNE?!

“Ginagawa mo dito?”

“Tinawagan ako ni Lavender.”

Psh. Yung babaeng yun talaga pati buhay ko pinapakialaman… Kaya mahal ko yun eh!

“Ah. K.”

“Alex…”

“OH?! Anong kailangan mo?! Puso ko?! Wala na! Binenta ko na!”

“Di bibilhin ko uli. One more chance please? Gustong-gusto kita. Sige pahirapan mo ko pero bigyan mo naman ako ng pagkakataon na patunayan yung sarili ko sa’yo.”

Lasing na ba ko? Hindi pa naman. Eh bakit gusto ko ng maniwala sa kanya? Hindi ko mapigilan… I really want to trust him.

“One chance.”

Ngumiti siya. Pagsisisihan ko to bukas ng umaga paggising ko pero what the hell?! Niyakap ko siya tapos nakita ko naman si Lav na nag-thumbs up. Bruha talaga yun. Dahil sa kanya, mapapatino pa ko ng wala sa oras. At magtitiwala kay Dwayne ng wagas.

Angel in disguiseWhere stories live. Discover now