Chapter 25

239 5 9
                                    

CHAPTER 25   <Meeting the true family>

Isang linggo na ang nakakalipas nung naaksidente si Arcell. Di pa rin namin matanggap na andito siya ngayon, natutulog ng mahimbing at di alam kung kailangan siya magigising. Sariwa pa rin sa isip namin ang lahat-lahat. Nag-alala ang lahat sa kanya kaya araw-araw siyang may bisita. Katulad nina Lavender, Echo, Niko, Darwin at ng bandmates ko. Si dad naman ay naglalaan ng oras para bumisita. Si tita Mary naman ay dito na natutulog sa ospital pati na rin ako. Gusto ko kasi siyang bantayan araw-araw at para kung gumising siya ako ang una niyang makikita.

Kahapon lang din bumisita ang ang Noire family. Nalaman kong mabait pala si tita Stephany at tito Flynn. Si madam Noire naman ay di ganun ka strict (principal kasi namin siya sa school). May isang anak rin sila, si Edson, isang masunurin at makulit na bata. Sa palagay ko, okay namang sumama si Arcell sa kanila kasi maganda naman ang pamilya niya. Kompleto sila ta nagmamahalan... Its a great family.

Alam kong gusto niya iyon. Pero mahirap pa rin ang humiwalay siya kay tita Mary kasi siya ang unang pamilya ni Arcell. I was always wondering why does she have to go through all of this. Mabait naman siya at di niya deserving ang mga malulupit na pangyayari na to. I think its because God wanted her to experience pain. I think God wanted her to experience pain to be more mature. To grow up with lots of knowledge. Pero kahit ganun, this is just too much for her.

Arcell... please open your eyes. Call out my name, please. Hey Arcell, i really really miss you now.

~~ <3 ~~

(MINE/ARCELL)

"Ampon lang kita Arcell. Ampon!" sigaw ni mama.

"Oo, ampon ka lang Arcell," sabi naman ni tita Jelainne.

"Hindi... hindi to totoo..." Hindi to totoo... Di pwede... Mahal ko si mama, di pwedeng ampon niya lang ako. Mahirap para sakin na tanggapin na ampon lang ako. Ba't di sinabi ni mama ang lahat? Ba't ngayon lang?

".... Arcell? Mine, gumising ka. Please."

Julius? Dumilat ako at nakita si Julius na may ngiti sa labi.

"J-julius?"

"Arcell, gising ka na."

"Dilat nga ang mga mata ko di ba?"

Tumawa siya. Hay, pano ko bang nagagawang mag-joke ngayong andito ako sa sitwasyong to.

"Asan ang iba?" tanong ko.

"Parating na sila dito."

Tumango nalang ako at bumuntong-hininga.

Ginulo niya ang buhok ko. "C'mon smile for me. Matagal ko nang di nakikita ang ngiti mo."

Ngumiti ako para sa kanya. Namiss ko na si Julius. Namiss ko na ang mga taong mahal ko. Namiss ko na silang lahat.

Biglang bumukas ang pinto.

"Arcell?!"

"Mama?"

Niyakap nila agad ako. Medyo masakit dahil sabay nila akong niyakap pero bahala na nga, miss na miss ko na sila e. Agad nila ako inasikaso at tinanong. Kung okay lang ba ako, kung may masakit ba, kung gusto ko bang kumain at iba pa. Ang kukulit nito... nakakatuwa.

"Pasensya na talaga kung pinag-alala ko kayo," sabi ko.

Tumango si Lavender. "Pinag-alala mo talaga kami Mill. Sobra akong umiyak nung nalaman kong naaksidente ka. Halos umiyak na nga ako ng isang balde."

"Dapat ngayon ubos na iyang tubig sa mga mata mo e bakit meron pa?"

Tumawa sila. Namiss ko na ang ganitong samahan. Namiss ko na rin si mama na kanina pa umiiyak. Sabi nila papunta na raw si tito Jules at ang Noire family. Ang tunay kong pamilya parating na... ano kaya ang sasabihin ko?

"Arcell?"

Biglang may pumasok na babae at niyakap ako. Sumunod naman ang isang lalaki at isang bata, at si madam Noire. Pumasok naman si tito Jules.

"Kayo po ba ang totoo kong pamilya?" tanong ko.

Teka sila iyong bumisita sa bahay namin ah. Sila pala... "Oo kami nga. Ako ang mommy mo, si mommy Stephany. Ito naman ang daddy mo, daddy Flynn. Ito ang nakakabata mong kapatid, si Edson at ito ang lola mo, si lola Peneline."

Si lola Peneline ang principal namin sa Thomas High School. Ang cute rin ni Edson, nakakakilig. May puppy rin siyang dala, Edcell ang binigay niyang pangalan. Edson plus Arcell raw ay Edcell. Nakakatuwa naman.

"Arcell, you don't mind coming with us right?" tanong ni mommy.

"San po?"

"Sa States. Kung di mo gusto we can stay naman."

Sa States...  malayo rin iyon. Ayokong iwan si Julius dito pati na rin si mama at ang mga kaibigan ko. Pero gusto ko ring makasama ang totoo kong pamilya. Ugh...

Tumango nalang ako. "Okay lang po."

Ngumiti si mommy. "That's good then. Wag kang mag-alala, one year lang tayo dun at babalik rin tayo."

"Julius-"

"Ayos lang. I'll always wait," sabi ni Julius.

"Its settled then. Paglabas ni Arcell dito, aalis din kami," sabi ni ni mommy at bumaling kay daddy. "Ah Flynn, ihanda mo ang passport ni Arcell."

"Sure thing," sagot ni daddy.

Minsan naiinggit ako kay mommy at daddy. Ang sweet-sweet nila araw-araw kahit na adults na sila. Sana ganun rin kami ni Julius... sana nga. Magtatagal rin kami kahit na long distance relationship ang naghihintay samin.

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon