Chapter 14

267 7 0
                                    

CHAPTER 14   <Julius' tito>

"Ang tagal mo," sabi ni Julius pagdating ko.

"Pakilam mo."

Agad niya akong pinaimpake at pinabihis. Ngayon raw kami aalis. As usual, nauna na si Mr. Ko. Palagi niya naman kami iniiwan e.

"Mag-dress ka," utos niya. Teka, bawal pumasok ang lalaki sa kwarto ng babae pag walang pahintulot. Bwisit talaga tong si Julius, labas pasok lang sa kwarto ko.

"Ba't ka ba andito?! Sinabi ko bang pwede ka dito ha?" naiirita kong tanong.

"Bakit, sinabi mo rin bang di ako pwede dito?"

Pasaway talaga tong playboy nato! Ang sarap patayin. Grr.

"Mag-dress ka," utos niya ulit.

"Tse. Ikaw ba tatay ko?"

Tumingin siya sa kabinet ko at nag-ukay ng mga dress. Hinagisan niya ako ng isang pink dress, iyong binili sakin ni Niko nung una kaming nagkita. "Iyan, dali na!"

"Oo na sir." Tch. Ang bossy nito.

Ilang sandali nakita ko siyang nakasandal sa hood ng kotse niya. Nakita niya ako at sumimangot. "Wag ka ngang mag-headband. Di bagay sayo."

"Tss. Fine." Ang daming utos nito. Di naman siya ang tatay ko ah.

Nag-biyahe kami ng tahimik. Gabi na rin at gutom na ako, wala kasi akong kinain kanina. Wala nalang akong sinabi sa kanya, baka sungitan na naman ako nito.

~~ <3 ~~

"Arcell, gising na. Andito na tayo."

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita si Julius. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"I-ito ang villa ng tito mo?" tanong ko.

Tumango siya. "Halika na. Naghihintay si dad sa loob."

Ang laki ng masyon nato ah! Mas malaki pa to kaysa sa mansyon ni Julius. Sabi e raw niya, may beach dito at iyon ang resort ng tito niya. Ah, ang mga mayayaman talaga.

"Oh, andito na pala kayo," sabi ni Mr. Ko. "Umupo kayo."

May kausap si Mr. Ko na lalaki. Ngumiti siya samin at nag-gesture na umupo kami.

"Good evening po tito," bati ni Julius.

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon