Chapter 17

275 9 0
                                    

CHAPTER 17   <Transferee>

 

"Mill, i miss you!" sigaw ni Lavender at niyakap ako ng mahigpit.

 

"Namiss rin kita. Pero papatayin mo ba ako?"

 

Tumawa siya at bumitaw sakin. "Sorry naman. Miss lang talaga kita."

 

"Namiss rin naman kita."

 

Nang pumasok kami sa campus napansin kong may pinagkakaguluhan sila sa field. Hmm?

 

"Oy, narinig niyo bang may hot transferee daw!"

"Eh talaga? Tara tignan natin!"

"Gwapo daw girl!"

"Puntahan natin! Gusto ko siyang tignan!"

 

Transferee? E, January ngayon ah. Teka... may alam akong mag-ttransfer dito. Siya nga ba ang transferee?

 

"Puntahan natin?" tanong ko kay Lavender. Tumango siya.

 

Paglapit namin dun, nakita namin si Echo na tumitingin rin sa transferee.

 

"Echo, andito ka pala," sabi ko.

 

"Hi Arcell. Hi Jade," sabi niya at kinindatan si Lavender. "Ah, may transferee raw kasi kaya naintriga ako. Fourth garading na kaya ngayon kaya imposibleng magkaroon ng transferee dito."

 

Tama nga siya. Imposible ngang may mag-transfer pa dito kasi fourth grading na kahit elite school to. Walang exception dito... maliban nalang kung may connection sila sa may-ari ng school na to.

 

"Uh... um sorry guys but i really have to go."

 

Huh? Teka teka... siya nga. Mas lumapit ako, sumunod lang sina Lavender at Echo. Naaninag ko ang mukha ng transferee. Sabi ko na nga ba.

 

"Niko?!" tawag ko.

 

Tumingin siya sa diresksyon ko. "Arcell!" Nilapitan niya ako. "Hey, need a helping hand."

 

"Grabe nga sitwasyon mo dito."

 

Andyan na naman ang bulung-bulungan. Nagtataka siguro sila kung bakit kilala ko siya. Pero kailangan ko siyang tulungang makaalis dito. Pano ba to? Tumingin sa paligid, ang daming tao. Kailangan kong maghanap ng kakilala dito katulad ni...

 

"Julius!"

 

Nilingon niya ako at ng kabanda niya. Bumuntong-hininga siya at lumapit samin. "Kailangan niyo nang malulusotan right?"

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon