Chapter 10

303 7 0
  • Dedicated kay Limpot Jerah
                                    

CHAPTER 10   <Flashbacks>

Tapos na rin ang tatlong araw namin dito sa Baguio. Buti naman kasi sa mga araw namin dito palaging andyan yong leech na babae(iyong yumakap at humalik kay Julius sa ranch sa unang araw namin sa Baguio). Kainis siya! Palagi akong nababad trip sa kanya. Nalaman ko rin na Maureen ang pangalan niya.

Nauna nang umalis si Mr. Ko dahil may pupuntahan na naman siya. Ewan ko ba sun kay Mr. Ko, palagi nalang kaming iniiwan mag-isa.

Natapos rin si Julius sa pag-aayos ng mga gamit namin. "May nakalimutan ka ba?"

"Wala. E ikaw, meron ba? Ah, pano na si Maureen? Kakalimutan mo lang ba siya, ba't di mo siya isama?" tanong ko na may pagkasarkastik. Kainis siya e!

"Teka, nagseselos ka ba?"

"Ha? Ako?" tumawa ako. "Wag ka ngang magpatawa. Di ako nagseselos no sadyang close lang talaga kami ni Maureen at ayokong iwan mo ang babae mo rito."

"Gusto bo bang iwan kita rito?"

"Subukan mo!"

Umiling siya. "Bahala ka nga diyan."

Nag-smirk ako. "Sige tsupe! Sasabay nalang ako kay Echo!" sabi ko at padabog na umalis pero nahawakan niya ang braso ko.

"Di kita hahayaan," sabi niya at kinaladkad niya ako sa kotse niya. Di na ako nakaprotesta dahil ang lakas niya.

Hmph. Bahala siya. Nakakainis siya! Grr.

*Flashback*

Pangalawang araw sa Baguio.

"Hoy Julius! San mo ba ako balak dadalhin ha?!" sigaw ko. Kainis to oh! Kulang nalang saksakin ko siya.

Sinundan ko nalang siya hanggang sa makarating kami sa isang maliit na falls. Ano bang ginagawa namin dito?

"Julius, ano bang-"

"JULEY BABY!" Argh. Ayan na naman ang leech! Agad-agad siyang kumapit sa braso ni Julius at lalong idiniin ang sarili kay Julius. Yuck!

Nilapitan ko siya. "Hoy babae!"

"Sino? Ako?"

"Sino pa ba? E, ikaw lang naman ang nag-iisang leech dito."

"How dare you?!"

"Bitiwan mo siya."

"Ayoko."

Pinilit kong ialis ang kamay niya sa braso ni Julius.Ang loko naman walang kibo parang istatwa. Wala ba siyang balak na tulungan akong paalisin ang babaeng to? Tss.

Bigla ako tinulak ng leech sa fall. Hala!

Tumawa si leech habang tinitignan lang ako ni Julius, natatawa na rin. Kainis kainis kainis! Biglang kinaladkad ni leech si Juluis palayo.

"Hoy! Julius, walang hiya ka! Tulungan mo ako dito! Hoy!" sagaw ko pero wala na sila. Pambihirang buhay to oh. Kainis!

Umahon nalang ako at nag-isip ng paraan kung pano ako makakalusot sa problemang to. Ah! Iyon na nga. Tinawagan ko si Echo. Buti nalang waterproof  ang case ng phone ko na binigay ni Mr. Ko.

"Hello?"

"Echo? Nasa bahay ka ngayon?"

"Uh, oo. Bakit?"

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon