Chapter 10

47 1 0
                                    

"Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka." -- Ricky Lee, Para Kay B

CHAPTER 10

Wink

NAIWAN ako sa aking kinauupuan nang nakatunganga at kahit na maingay ngayon dito paulit-ulit ko pa ring naririnig ang huling sinabi sa akin ni Brix. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali ngayon dito, dahil ba ngayon lang may nakapagsabi sa akin niyon? O dahil halos nararamdaman ko pa rin ang mainit na hangin dala nang pagbulong niya sa aking tainga at halos hindi matanggal sa aking isipan ang boses niya.

Lumipas ang ilang minutong hindi pa rin bumabalik si Brix dito, sina Tacy at Clover nakabalik na sa pwesto namin at halatang lasing na sila dahil tawa na sila nang tawa, hindi nagtagal bumalik na rin silang lahat dito nang hindi kasama si Brix.

"Gorniel, nasaan si Brix?" Umalingawngaw ang tanong ni Ciro sa gitna nang maingay at tawanan ngayon dito.

Simple kong tinignan si Gorniel na katabi ni Rae, sa bawat pagtama ng neon light sa mukha niya naaaninag ko agad ang namumula niyang pisngi. Marahan siyang humithit ng sigarilyong hawak niya at bumuga siya ng usok bago sumagot sa tanong ni Ciro. "Umuwi na siya." Bigla akong napatango sa sinabi ni Gorniel.

Nagpatuloy lang kaming uminom ngunit sina Tacy at Clover hindi na nila binibigyan ng alak dahil lasing na silang dalawa. Mabuti na lang hindi agad ako nalalasing idagdag pa ang hindi ko maintindihang paghuhuramentado ng buong sistema ng katawan ko sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Brix sa akin. Gusto ko na lang matawa sa sinabi niya ngunit hindi ko magawa dahil naaalala ko kung gaano kaseryoso ang boses niya nang ibulong niya sa akin iyon. Halos isang oras pa yata ang itinagal namin sa bar na ito hanggang sa napagdesisyonan nilang umuwi na kami, sinabihan ko si Rae na samahan sina Tacy at Clover dahil kay Fallon sila sasabay umuwi, si Gorniel naman kina Ciro at Hunter. Mabuti na lang medyo nahimasmasan na sina Tacy at Clover, sa bahay sana sila matutulog tutal naman wala kaming pasok bukas pero hindi ako nakapagpaalam kay mama kaya uuwi na lang daw sila.

Nagpresinta si Stanley na siya ang maghahatid sa akin tutal alam naman niya kung saan ang bahay ko dahil noong highschool madalas niya akong ihatid.

"Sobrang tagal na rin pala noong huli nating magkakasama and it feels really good that we're talking to each other again." Simple akong tumingin sa kanya at nakita kong diretso lang ang kanyang tingin sa daan habang may ngiti sa kanyang labi.

Umiwas ako ng tingin habang tumatango, hindi na lang ako nagsalita at ganoon din naman siya, buong byahe papunta sa bahay tahimik lang kami ngunit patuloy kong naririnig ang paghuhuramentado ng aking puso. Hindi ko alam kung hanggang kailan titibok ito nang dahil sa kanya, kung hanggang kailan ko ito mararamdaman at kung hanggang kailan ito matatapos. Sa totoo lang pagod na ako pero iyong puso ko hindi yata mapapagod sa kanya.

Sobrang tagal ko siyang hindi nakita at buong akala ko wala na akong pagmamahal sa kanya, iyong mga alaala na lang naming dalawa ang natitira sa akin ngunit sa isang iglap bumalik ang lahat. Noong unang taon ko sa college sinubukan kong magboyfriend ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil ayokong lokohin ang sarili kong maging masaya sa ibang tao.

"Nandito na tayo."

Bahagya akong nagulat nang magsalita siya kasabay nang paghinto ng kanyang sasakyan. Mabilis kong tinanggal ang seat belt na nakapulupot sa katawan ko. "Salamat sa paghatid." Tinignan ko siya at tipid na nginitian.

Hawak ng kanyang dalawang kamay ang manibela habang nakatingin sa akin at unti-unting lumalawak ang pagngiti niya sumasabay pa ang kanyang mga mata. "Matulog ka agad." Aniya at sinundan pa nang marahang paghalakhak.

Lovelorn (EDITING)Where stories live. Discover now