Chapter 08

94 4 0
                                    

"I should never have cared but I did care, I cared a lot and still fucking care." -- Rae Kody Cereza

CHAPTER 08

Subukan Mo

NAUBOS na namin ang isang Jack Daniel's na kanina pa namin iniinom pero sa tingin ko hindi pa yata sila tinatamaan ng alak, kung hindi lang kami sanay uminom malamang ngayon mga lasing na kaming lahat.

"Kumusta na pala iyong half japanese girl mo?" Tanong ni Rae sa pinsan niya.

Humalakhak lang si Gorniel at nilagok ang alak na nasa baso niya, napangiwi siya bago magsalita. "Bro, tatlo sila." Usal niya at sinundan pa ulit ng kanyang paghalakhak.

Umirap ako sa kawalan at napailing na lang. Sanay na kami nina Clover at Tacy sa usapan nilang ganyan at sa iba't ibang babae na kinukwento ni Gorniel. Si Gorniel kasi ang tipong gugustuhin talaga ng mga babae, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit marami siyang babae.

"Gorns, na-in love ka na ba?" Napatingin ako kay Clover na diretso lang nakatingin kay Gorniel.

Binalot kami ng katahimikan sa tanong niya at narinig ko na lang na malakas na nagmura si Gorniel habang humahalakhak. Binaling ko ang aking tingin kay Gorniel na nakatitig lang kay Clover, inilapag niya ang kanyang baso sa center table at narinig kong tumikhim siya.

"Damn that kind of love." Nag-iwas siya ng tingin kay Clover at sumilay ang pagngisi sa kanyang labi. "Never." Usal niya habang pinapasadahan kami ng tingin at muli niyang kinuha ang kanyang baso sa center table.

Muli kaming binalot ng katahimikan at naramdaman ko ang ilangan sa isa't isa hanggang sa biglang tumawa si Brix at sinundan nang halakhak ni Rae. Muli silang nagkwentuhan ngunit si Gorniel ay biglang nanahimik habang nakatingin lang sa kawalan. Hindi ako nakisali sa kwentuhan nila at tahimik lang akong umiinom habang pinapanood lamang sila.

"Hoy Brix may girlfriend ka ba?" Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang puso ko nang tanungin ni Tacy si Brix.

Pinipilit kong pigilan ang ulo kong tumingin sa kanya ngunit nabigo ako, muli ko na naman nasilayan ang nakapanlalambot niyang adams apple at ang nakangingilo niyang ngiti. Dahan-dahan siyang umiling at mas lalong lumawak ang pagngiti niya, bigla akong napaigtad nang sikuhin ako ni Tacy na nasa tabi ko at bigla siyang tumawa.

"Wala, bakit?" Tanong ni Brix.

"Wala naman naitanong ko lang." Pasimple akong tumingin kay Tacy na hindi ko inaasahang nakatingin din siya sa akin.

"Wala raw pangs." Bulong niya sa akin na halos nanlaki ang mga mata ko. Bigla ko siyang hinampas at nag-iwas ng tingin ngunit tumawa na lang siya.

"Pangs, hindi pa ba tayo uuwi?" Biglang tanong ni Clover habang pabalik-balik ang kanyang tingin sa amin ni Tacy.

Sinulyapan ko si Tacy na nakatingin sa kanyang baso na may relo. Tumunghay siya kay Clover at tumango. "Tara na pangs, gusto kong matulog," Aniya sabay baling sa akin, "Ikaw?"

Huminga ako nang malalim at akmang magsasalita ngunit pinangunahan ako ni Rae. "Hep!!!" Asik niya, bigla siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at marahas na hinawi si Tacy na nasa tabi ko.

"Ano ba pangs!" Reklamo ni Tacy ngunit hindi siya pinansin ni Rae at tumawa na lamang ito habang inaakbayan ako.

"Dito muna si Keina. Uwi na kayo!" Pilit kong tinatanggal ang kanyang kamay sa balikat ko ngunit mahigpit ito na para bang nasasakal na ako.

"Rae! Lasing ka na!" Sigaw ko sa kanya ngunit mas lalo lang siyang tumawa.

Mabilis niyang tinungga ang laman ng kanyang basong nasa bakante niyang kamay. "Hindi pa!" Aniya.

Lovelorn (EDITING)Where stories live. Discover now