Chapter 09

79 3 0
                                    

"I became a huge fan of happy endings when I saw a lipstick on your lips." -- Brix Calum Mondejar

CHAPTER 09

Gimik

MAAGA akong pumasok kinabukasan at hindi ko nakasabay sina Tacy, Rae at Clover dahil baka mahuhuli pa raw sila. Habang naghihintay ako sa loob ng classroom hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kahapon pero ang mas lalong ayaw maalis-alis sa isipan ko ang katotohanang inihatid ako ni Brix.

Kahapon, paulit-ulit kong iniisip na kunwari lang iyon, isang imahinasyon o ilusyon ko lang pero sinasampal ako ng katotohanang totoo ang lahat ng iyon.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin, nakakapanibago at nakakainis sa pakiramdam. Posible kaya ang ganito? Ang pakiramdam na hindi mo maintindihan, hindi mo mawari ang nararamdaman mo at hindi mo maisip kung ano ba talaga ito o baka nama'y wala pang naiimbentong salita para sa nararamdaman kong ito.

Bahagya kong inilibot ng tingin ang buong classroom, ang iba naming classmates abala sa kani-kanilang ginagawa, ang iba naman ay walang pakialam sa paligid niya, mayroong natutulog at may nagtatawanan. Iba na kapag college, kanya-kanyang grupo at nakakahiya kapag makikisali ka sa kanila. Sa college parang dito ang lugar at bahay kung paano maging matured, dito mo mararanasan at mararamdaman ang sampal ng realidad na hindi laging masaya at laging may kasama. Dito mo talaga mararanasan ang realidad ng buhay, dito ka matututo, magiging malakas at matatag. Hindi mo kailangang maging matalino para mapansin ka, hindi mo kailangan maging talentado para maging sikat ka dahil sa college diskarte dapat ang mayroon ka.

Posibleng hindi ka makapagtapos ng maaga at posibleng huminto ka sa pag-aaral pero hindi naman mahalaga iyon, ang mahalaga ay kung sino ang mas magiging asensado, magiging mas matagumpay at kung sino ang may napatunayan sa sarili kapag lumipas na ang panahon.

Mayamaya pa'y sabay nang dumating sina Rae, Tacy at Clover. Agad kong pinagmasdan ang kilos at reaksyon ng mukha ni Rae at mukhang effective naman ang pinagusapan namin kahapon dahil bakas sa mukha niyang masaya siya at halatang gumaan ang kalooban niya.

Hindi nagtagal ay may dumating ng prof, tatlong oras lang ang klase namin ngayon at sa iisang subject lang iyon. Nang matapos ang klase ay nagpaiwan muna kaming apat sa loob ng classroom.

"Ayoko munang umuwi." Nakapalumbaba si Tacy sa kanyang desk habang nakapatong ang handbag niya sa kanyang hita.

"Diba wala naman tayong pasok bukas?" Napasulyap ako ng tingin kay Rae habang nakayuko at inaayos ang sintas ng kanyang sapatos.

"Wala, bakit?" Tanong ko sa kanila habang inuusisa ko sila ng tingin.

Biglang tumayo si Rae sa kanyang kinauupuan at agad niyang kinuha ang kanyang bag. "Gimik tayo." Sumilay ang nakaloloko niyang pagngisi sa kanyang labi kasabay nang paglalim ng kanyang dimple.

Agad kong sinulyapan sina Tacy at Clover at bumungad sa akin ang malawak nilang ngiti. "Libre mo pangs?" Halata sa mukha ni Tacy ang excitement.

Hindi ko hilig ang gumimik dahil sa tamad akong lumabas, walang pera at ayoko ng usok ng sigarilyo, pero kapag nagkayayaan sumasama naman ako at tulad ko rin sila hindi rin mahilig gumimik pero ewan ko kung ano ang naisipan ni Rae at nagyaya ito.

Noong di pa kami masyadong busy sa college tuwing nagyayaya si Rae nililibre niya kami pero may mga pagkakataon na kapag nandoon sa bar ang kakilala ni Rae libre na kami sa drinks.

"Oo na!" Biglang humiyaw sina Tacy at Clover sa sinabi ni Rae. "Pero Clovs, hindi ba magagalit si Sir Jaxon?" Mahinang dugtong ni Rae.

Mariin akong napatitig kay Clover at napansin kong bumuga siya nang malalim na paghinga. "Hindi, saka maiintindihan naman niya." Aniya.

Lovelorn (EDITING)Where stories live. Discover now