Chapter 11

45 1 0
                                    

"Baka nakita na natin sila ngunit hindi natin pinansin dahil hindi natin alam na siya na pala ang taong matagal na nating hinihintay."

CHAPTER 11

Facebook

"KUNG sa apartment mo na lang kaya natin gawin ito? Ang bagal ng internet!" Asik ni Tacy habang nakatutok siya sa kanyang laptop.

"Oo nga Rae!" Pagsang-ayon naman ni Clover habang tinitignan si Tacy sa kanyang ginagawa.

Tumango na lang si Rae sa pag-aalburoto nilang dalawa, balak sana namin gawin ang magazine article namin dito sa library pero sobrang bagal ng internet halos kalahating oras na kaming nandito pero hanggang ngayon wala pa kaming natatapos puro concept pa lang ang nagagawa namin.

Natapos ang klase namin ng mas maaga dahil may meeting ang mga Prof ngayon, iyong article contest na sinalihan ko bukas na malalaman kung sino ang mananalo ilalagay sa newspaper ng university namin ang article ng panalo at may dagdag na grade sa iba naming subject.

Nakarating kami sa apartment ni Rae mga bandang alas-kwatro halos sampung minuto lang ang pagitan ng apartment niya sa university namin at sa aming apat kami lang ni Rae ang malapit na bahay dahil sina Tacy at Clover sa Quezon City pa nakatira. Malakas kasi ang wifi ni Rae dahil siya lang naman ang naka-connect.

Agad namin ginawa iyong article hindi muna kami nag-usap ng ibang bagay at mas tinutukan namin ang ginagawa namin. Isa ito sa ikinaganda ng pagkakaibigan namin dahil kapag may mga group project o group article seryoso naming ginagawa, ang katwiran kasi nila grade ng isa grade ng lahat, kapag pangit ang gawa ng isa pangit ang kalalabasan ng lahat. Habang ginagawa namin ang article hindi kami gaanong nahirapan dahil komportable kami sa topic na pinili namin, kung tutuusin draft pa lang naman itong ginagawa namin.

"Pupunta ba tayong concert ng Teareks sa university nila?" Biglang tanong ni Clover sa amin habang nakatutok siya sa laptop ni Tacy. Nakaupo kami sa lamesa at kaharap namin silang dalawa ni Rae. "Pangs, wrong spelling ka yata." Mahinang bulong niya kay Tacy habang nagtatype ito.

Napahinto ako nang pagsusulat sa papel at bahagya kong tinignan si Clover. "Kung pupunta kayo pupunta na rin ako atsaka sayang ang ticket." Binitawan ko ang ballpen na hawak ko at binigay ko kay Rae na nasa tabi ko lang nakaupo ang article na naisulat ko sa papel para maidagdag niya sa tinatype niya.

Narinig kong bumuntong-hininga si Tacy kaya napatingin ako sa kanya. "Yehey! Tapos na!" Masayang sigaw niya at nag-apiran pa sila ni Clover. "Hoy Rae i-sesend ko sa email mo tapos ikaw na mag-ayos." Dugtong niya.

"Keina," Bigla akong napatingin kay Clover nang tawagin niya ang pangalan ko. "Alam mo ba kung bakit Teareks ang pangalan ng banda nila Stanley?" Bahagya niyang inusog papalapit sa lamesa ang kanyang upuan.

Marahan kong pinasadahan ng tingin sina Tacy at Rae nang bigla silang napahinto sa kanilang ginagawa habang nakatingin kay Clover, bumaling muli ang aking tingin kay Clover sabay iling. "Hindi, bakit?" Nagugulumihanang tanong ko.

Tumikhim siya bago sumagot. "Matagal ko ng naririnig ang bandang Teareks pero tulad niyo wala akong pakialam sa kanila pero nang malaman kong si Stanley ang vocalist, iyong lalaking naikwento niyo sa akin dati tinignan ko sa facebook kung may page sila at hindi nga ako nagkakamali mayroon nga." Sandali siyang napahinto sa pagsasalita at marahan niyang inayos ang kanyang buhok.

"Halos umabot nga sa 15 thousand likes ang page nila, maaaring galing sa ibang school ang mga nag-like niyon. First year pa lang sila noong sumikat sa university nila at habang tumatagal nagkakaroon sila ng mga gig nakilala na rin sila sa ibang university, may nabasa ako sa page nila na may isang fan na nagtanong sa kanila kung bakit Teareks ang pangalan ng banda nila at ang reply nila lahat daw sila may kanya-kanyang masasakit na karanasan bago sila naging isang banda, pinaghalo raw na Tears at Rocker kaya naging Teareks." Narinig kong napabuntong-hininga si Tacy nang matapos ni Clover ang kanyang kwento.

Lovelorn (EDITING)Where stories live. Discover now