Chapter 04

126 3 0
                                    

"Kung ganito lang din pala ang kasiyahan na mararamdaman ko handa akong mapunta sa mental hospital." -- Clover Ellie Palomar

CHAPTER 04

Past

"PANGS! Manonood ba tayo ng battle of the bands mamaya?"

"Alam mo Rae Kody Cereza kanina ka pa tanong nang tanong nakakabwisit ka ng hayop ka!" Iritang singhal ni Clover at umirap pa ito sabay dakot sa hawak niyang sitsirya.

Ngumisi si Rae ngunit hindi nagtagal bigla itong tumawa habang umiiling. "Ang batang tanong nang tanong matalino."

"Hindi ka na bata! Gumagawa ka na ng bata!" Natawa kami sa sinabi ni Tacy sa kanya.

Sinulyapan ko si Rae na dahan-dahang ngumingisi ngayon kay Tacy habang marahan itong umuusog papalapit sa kanya at hinilig niya ang kanyang ulo paharap sa kanang tainga nito. "Gusto mo gawa tayo ng-- Aray!" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla siyang sinabunutan ni Tacy.

"Gago!"

Tumawa si Clover na nasa tabi ko habang nakatingin lang kaming dalawa kina Rae at Tacy na nakaupo sa harap ng upuan namin.

"Para kayong mga ewan." Ngumisi ako habang naiiling na lang si Rae.

"Pangs naman, halos tatlong oras ko yatang inayos itong buhok ko tapos sasabunutan mo lang! Nasaan ang katarungan pangs? Nasaan ang hustisya?!" Muli kaming humagalpak nang tawa sa sinabi ni Rae habang nagdadrama kuno.

"Nasa kilay mo pangs ang hinahanap mong hustisya at katarungan." Biglang napasimangot si Rae sa sinabi ko na mas lalong ikinatawa nina Tacy at Clover.

"Pangs naman walang bastusan ng kilay limang oras ko iyan sinuklay." Aniya habang hinahawakan ang kanyang kilay. Halos sumakit ang tiyan ko sa katatawa sa sinabi ni Rae sa akin.

Medyo makapal kasi ang kilay niya pero hindi naman iyon masagwa sa kanyang mukha kumpara sa ibang tao. May pagka-mestizo si Rae at bahagyang singkit na medyo malamlam ang kanyang mga mata kaya parang bumagay din ang kilay niya sa kanya. Lagi namin siyang inaasar pero hindi naman siya napipikon at nakikisabay pa siyang makipag-asaran.

"Bwisit ka Rae!" Nagpunas ng luha si Clover sa katatawa. "Papatayin mo yata ako sa katatawa!" Huminga siya nang malalim at muling natawa sa hitsura na binigay sa kanya ni Rae.

Kahit kailan talaga napakababaw ng kaligayahan namin.

"Tangina pangs! Ayos mukha naman." Binatukan ni Tacy si Rae.

"Kayo na nga itong pinapatawa ako pa rin ang masama, ganyan talaga kapag masaya, nakamamatay!" Tumawa siya nang tumawa habang tumitigil naman sa pagtawa sina Tacy at Clover nang nakatitig lang sa kanya at ganoon din ako.

Ilang segundo rin siyang tumatawa habang tahimik lang kaming tatlo na nakatitig sa kanya. Nang mapansin niyang hindi kami tumatawa bigla siyang sumeryoso at umayos nang pagkakaupo sabay inom ng tubig na nasa baso niya habang tinitignan kami isa-isa.

"Alam ninyo kapag ako ang tumatawa lagi kayong ganyan!" Aniya nang ibinaba na niya ang baso sa mesa.

"Pangs kasi kailangan manahimik respeto naman sa isang joke na namatay!" Umiling-iling ako sa kanya.

"Bwisit talaga kayo. Tara na nga!" Tumawa na lang kami habang inaasar-asar pa rin ni Tacy si Rae tungkol sa kilay niya.

Nang makalabas na kami sa loob ng canteen agad na sumalubong sa amin ang iba't ibang booth na pinaghandaan ng mga kani-kaniyang course, marami na ring outsider na taga-ibang university na dumalo ngayon dito sa amin at itong si Rae todo pa-cute pa sa mga ibang babae.

Lovelorn (EDITING)Where stories live. Discover now