Chapter 19

2K 25 5
                                    

Hii :) Hihi sorry po sa late update. Talagang every weekend na lang po ako makakaupdate eh :3 AND malapit na po matapos ang Destiny Of Us :| Last Chapter will be Chapter 20 + Epilogue. Pero di ko po sure. Nag estimate lang ako ng chapter :DD Ginagawa ko na din po kasing long update para makabawi sainyo :D

Thankyou po for this people :D ♥ Lovelots guys :)

@MusicLover_17

@HeyItsMePatJoiy

Enjoy~

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 19

Kath's POV

Ang tanga tanga ko talaga. Nasaktan ko si Dj. Aish! Ewan ko pero inis na inis ako sa sarili ko. Gusto kong mawala na sa mundo. OA ba? -___- Sorry ganun talaga pag inlove.

3 days na ang lumipas matapos nung nag-away kami. Hanggang ngayon di pa rin kami nag-uusap.  Pasko na bukas. Pero wala pa rin. Hindi sya dumadalaw dito sa bahay. Hindi din daw sya lumalabas ng bahay nila. Pag lalabas man, uuwi daw lasing. Sinabi lahat ni Mama Karla sakin yan. Buti nga hindi sya galit sakin eh. Although gusto talaga nilang magkabati na kami ni Dj bago pa man ang pasko. Hindi pa ako nkakapag-isip ng gagawin. Siguro naman ito na ang time ko para ako naman ang gumawa ng effort para sakanya.

Aalis na din kami maya-maya lang para pumunta na sa bahay namin sa Tagaytay. Buong family ng barkada, pupunta. Kaya naman ineexpect ko talagang magiging masaya to. Pero ngayong nag-aaway kami ni Dj? Parang napakaimpossible.

Andito ako sa museum ngayon, tapos na akong nag-ayos ng gamit ko. Nakatunganga lang ako dito habang nakatingin sa mga pictures namin ni Dj. Nandito pa nga yung pictures simula nung maging kami na eh. Iba ang corner nito. Araw-araw akong nandito. Araw-araw din umiiyak. Kasalanan ko din naman eh. Aish.

*Tok*Tok*

"Pasok."

Pagtingin ko sa pumasok, si Mama. Kasama si Kuya Sam at Khalil.

"Tara na Kath. Aalis na tayo." Sabi ni Mama.

"Tsaka ayusin mo nga sarili mo. Tignan mo naman itsura mo." Sabi ni Kuya Sam.

"Tss. Oo na. Susunod na ako." Sabi ko. Umalis naman na sina Mama at Kuya. Naiwan si Khalil.

"Kung ako sayo, dapat magkausap na kayo bago pa dumating ang pasko. Mas lalo lang kayong mahihirapan." Sabi ni Khalil sakin.

"Oo na. Oo na." Sabi ko at umalis na kami sa museum.

Pasakay na kami sa Van. Tig-iisang van kami bawat family. Pero dahil nga daw kailangan kong makausap si Dj, sa iisang van na lang daw kami.

Pagkabukas ng van, andun na sina Dj. Pati mga kapatid nya. Nasa pinakalikod si Dj at mag-isa nya. Tumingin ako sa mga kapatid nila at nginitian lang nila ako. Pumasok na ako sa pinalikod.

"Pwede makitabi?" Tanong ko kay Dj na nakatingin lang sa bintana.

Tumango lang sya. Umupo naman ako. Malaki ang space namin sa isa't isa. Nasa kabilang bintana sya at nasa kabilang bintana lang din ako. Nasa gitna yung unan ko na dinala ko in case na makatulog ako.

Nagsimula nang magdrive ang driver namin. Sina Carmella lang ang maingay. Nagkukulitan kasi silang lahat. Habang kami ni Dj tahimik lang. As usual parehas lang kaming naka earphones.

Destiny Of US ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon