Chapter 4.2

2.6K 29 7
                                    

 Nag update na ako for you guys XD Haha. Sinipag ako eh. Enjoy :) Sorry po ha wala kasi akong maisip sa Childhood nila Dj. Sana ok lang XD Thankyoouuu :*

Chapter 4.2: Childhood + Feelings of DJ?

Kath's POV

"Aray naman! Oo na eto na! 9 years ago........"

FLASHBACK---

Nandito kami ngayon sa park kasama ang Mom, Dad, at Kuya Sam ko. Mahilig talaga kaming magbonding every Sunday. Malapit na din kasi ang pasukan. Magiging busy nanaman sila. Kaya sinusulit na namin.

Nagpaalam muna ako kina Mom na maglalaro muna ako. Hindi naman kalayuan yun sa table namin nina Mom. Natatanaw pa rin naman nila ako. Gusto ko kasi magkaroon ng New Friend.

Nandito ako sa slide. Ang daming bata. Pero hindi nila ako pinapansin. Wala akong kasama. Ewan ko pero parang nahihiya ata sila sa akin. Halata kasi sa mga bata na hindi sila kasing yaman ko. Hindi naman ako mapili eh. Hindi ako tulad ng ibang batang sobrang spoiled. Habang naglalaro ako. May nakita akong batang babae. Nilapitan ko sya. Mag-isa nya lang din kasi eh.

"Hi!" Bati ko sakanya. Napalingon naman sya sakin. Nagulat sya.

"H-hello. B-bakit mo ako kinakausap?" Tanong nya sakin. Bakit may batas bang bawal kumausap sa ibang bata?

"Bawal ba?"

"Hindi naman. Pero sabi kasi ni Mommy sakin hindi daw maganda makipagkaibigan sa mga batang mayayaman. Masama daw kasi ugali nila." Ouch -.-

"Hindi naman ako ganun eh. Mabait ako promise! :)" Sabay taas ng right hand ko. Ngumiti naman sya sakin.

"Ako nga pala si Cha. Ikaw? Anong pangalan mo?" Cha ang sinasabi kong pangalan sa mga nakakausap ko dito :D

"Ako naman si J--"

"Julie! Come here! Anong sinabi ko sayo noon?! Halika nga dito!" Sabi ng mommy nya ata yun. So I guess Julie pangalan nya.

"Ah sige alis na ako Cha. Sorry ha. Bye" Sabay alis nya at takbo sa mommy nya. Halatang pinapagalitan sya ng mommy nya kasi nakipag-usap sya sakin. Napalingon sya sakin at napayuko. Ang tanging naalala ko sakanya eh yung balat nya sa shoulders. Para paglaki namin pwede ko syang mahanap sa pamamagitan nun.

Umalis na ako. Bumalik ako sa paglalaro. Naisipan kong pumunta sa swing. Yung pabilog na swing. Yung pwede hanggang 4 na tao. Pagsakay ko may nakasakay pala dun na batang lalaki. Nakat-shirt sya ng Batman. Pareho kami ng paborito :D Mukha din syang mayaman. Ang cute nya. Nakapikit sya kanina pero nagising ko ata.

"Hi! :D" Bati ko sakanya.

"Hi din." Matipid nyang sagot.

"Bakit wala kang kalaro?" Tanong ko.

"Ayaw nila ako kausapin eh. Yung iba nilalayo sila ng parents nila sakin." Parang parehas lang kami.

"Parehas tayo. Eh kung tayo na lang maging playmates?" Sabi ko sakanya. Ngumiti sya ng pagkalaki-laki.

"Sige!"

"Yehey may friend na ako :D Anong pangalan mo?"

"Ako si Daniel John Padilla. Ikaw?"

Destiny Of US ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon