Chapter 4.1

2.7K 27 5
                                    

Wag po kayo mahiya magpadedicate :3 daming silent readers >.< Btw, eto na special chapter. Special chapter kasi tuloy-tuloy kong ipopost ang 1st part and 2nd part XD Pero after a day lang po XD Sa normal chapter kasi after 2 or 3 days ako magpost :P Enjoy nyo na lang po :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4.1: 3 years ago

Dj's POV

"Sa tingin ko handa ko na talagang aminin sainyo kung ano talaga ang nangyari 3 years ago." Sabi ko. Oo kaya ko na to. Matagal na panahon na din ang lumipas. Siguro kailangan na din kalimutan ang lahat ng yun.

"Sige na Dj! Pabitin ka naman eh." Sabi ni Neil.

"Eto na! Atat masyado."

FLASHBACK---

1st year highschool ako noon. Matino pa akong lalaki. Hindi ko pinapansin yung mga nag-aadmire sakin na babae. Sobrang masayahin ako dati. Pero hindi dahil nanggagago ako ng mga babae.

Friday ngayon. Nandito ako sa school. Kasama ang barkada. Bagong kabarkada ko sila. Noon kasi dalawang babae lang ang lagi kong kasama. Yun ay sina Kathryn at Julia. Akala nga nila bading ako eh. Hindi ko din kasi pinapansin yung mga babae na laging umaaligid sakin. Dahil may girlfriend ako. Si Coleen Garcia. Si Kath lang ang nakakaalam na kami. Maski ang ibang students hindi din alam. Mas pinili kasi naming ilihim. Nagsasama lang kami ni Coleen noon every weekend. Sa bahay lang namin. Pero kahit ganun masaya naman kami. Ramdam kong mahal na mahal ako ni Coleen. May suprise nga ako sakanya eh. 9th monthsary na kasi namin.

"Uy guys. Bukas di muna ako makakasama kung may lakad man kayo ha. May gagawin kasi ako eh." Sabi ko sakanila.

"Lagi ka namang hindi sumasama eh. Tss." Sabi naman ni Kiray.

"Hehe. Sorry. Busy lang talaga every weekend." Sabi ko. Napatingin ako kay Kath. Alam nya kasi kung ano ang gagawin ko bukas. Ewan ko pero pagdating sa mga ganito na usapan, wala syang imik. Tahimik lang sya.

"Wooh. Baka naman may gf ka na ha?" Sabi ni Neil. Namutla ako. Tinignan ko ulit si Kath. Wala pa rin expression yung mukha nya. Pero nagkatinginan sila ni Julia. Tapos bigla na lang nayuko si Kath.

"H-ha? W-wala ah." Nauutal kong sabi sakanila.

"Utal." Sabi naman ni Diego.

"Tss wala nga kasi." Pagkatapos nun nagkulitan na lang ulit kami. Dito lang kami nagkakakulitan ng ganito. Lagi kasi akong wala pag lumalabas sila.

Dismissal na. Excited na ako para bukas. Sana magustuhan nya yung hinanda ko para sakanya. Ngayon lang ako nag-effort sa isang babae. Syempre 1st gf ko sya. Dapat last na din :P Haha.

Nakauwi na ako. Tinext ko si Coleen para bukas.

To: Baby.Coco :)

Hey baby coco :* Get ready for tomorrow okay? I'll pick you up at 5pm. See you :* I love you so much :D

Ilang minutes lang may nagtxt na. Alam ko si Coleen na to.

From: Baby.Coco :)

Okay baby dee. May sasabihin din kasi ako tomorrow. I love you too :*

Destiny Of US ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon