Chapter 7

2.4K 27 1
                                    

Dedicated to you :D Thankyou sa paglagay ng story ko sa Library mo :) Enjoy ;)

Chapter 7

Dj's POV

Umaga na. Papasok na ako sa school. Papasok na daw kasi si Kath ngayon sabi ni Tita Min kay Mama. Oo kay Mama na lang ako nakikibalita. At ang nakakainis pa, hindi ko makalimutan yung nakita ko kagabi. Bakit? Bakit magkasama sina Quen at Kath? At ang saya saya pa ni Kath na kasama nya si Quen. Ganun na lang ba nya kadaling limutin yung sinabi nya sakin nung gabing yun? Hindi na ba nya balak makipag-ayos sakin? Sa bestfriend nya? Sa....

Mahal nya.

Aish ! :( lalo akong nakokonsensya sa ginawa ko eh. Bakit ba ganito ang buhay? Kelan ko ba malalaman ang tunay na nararamdaman ko. Nasaktan ako ng sobra sa nakita ko kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip dun. Kumikirot din ang puso ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Gusto ko na ba si Kath? Mahal ko na din ba sya? Totoo kaya yung sinabi nila na matagal ko na ding gusto si Kath, pero mas inuna ko lang yung galit ko sa puso? Tanga ko lang eh! Aish >.<

Naglalakad na ako papuntang classroom namin. Nothing new after that day na nagconfess si Kath sakin. Nagtataka pa rin sila kung bakit hindi ko kasama si Kath. Dati kasi pag nagkakaroon kami ng tampuhan, naaayos din namin agad.

Ito na, papasok na ako ng classroom.

Pagpasok ko nakayuko lang ako. Nahihiya akong makita si Kath. Teka himala, walang maingay? Walang nag goodmorning? Walang nagsesermon?

Pag-angat ko ng ulo ko, napatingin ako kung san ang pwesto ng barkada. Nandun naman silang lahat. Pero nakatingin lang sila sakin. Kakaiba yung tingin nila. Parang mga tigre. Nakakatakot. Pagtingin ko naman sa upuan ni Kath. Nandun na nga sya. Nahuli ko syang nakatingin din sakin pero umiwas din sya agad ng tingin at yumuko. Sht naman oh.

"Anong meron?" Tanong ko sakanila.

"Si Kath meron na. Di ba hinahommmppp" Neil. Tangina naman eh. Ilalaglag pa talaga ako neto. Buti na lang nakatakbo ako agad at tinakpan ang bunganga nya.

"Tengene Neil. Wag mo namang ilaglag." Sabi naman ni Diego.

"Teka teka. Bakit ba ganyan kayo makatingin sakin? Nakakatakot ha. Will you stop it?" Sabi ko sakanila.

"We need to talk." Sabi naman ni Julia. At tumango naman si Kiray na ang sama pa rin ng tingin.

"Oh edi tara. Nakakatakot naman yang mga tingin na yan eh >.<" Sabi ko tapos hinila na nila ako palabas ng classroom. Tapos lumayo-layo muna kami.

"Ano ba naman yan Dj?! Bakit hindi mo pa naaayos to?!" Sabi agad ni Kiray sakin.

"Tengene naman. Ang hirap hirap ng sitwasyon namin ni Kath ngayon. Tapos nakita ko pa syang kasama si Quen kagabi. Ano sa tingin nyo mgagawa ko? Mukhang masaya naman na sya kay Quen eh." Sabi ko sakanila na nanghihina ang boses ko.

"So ganun ganun na lang yun Dj? Susuko ka na kay Kath? Dafuq Daniel John Padilla! Sumusuko ka na agad? Tsaka wait. Sa tono ng boses mo parang ayaw mo yung nakita mo kagabi ha?" Seryosong tanong ni Julia. Napatingin naman sya kay Kiray. Nangingiti naman si Kiray. Sila na nagkakaintindihan -.-'

Destiny Of US ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon