Chapter 8

2.3K 22 3
                                    

Dedicated to kay Moe :D thankyou sa pag-add ng story ko sa RL mo ;)



Chapter 8




Dj's POV



2 weeks na. 2 weeks na pagkatapos nung sagutan na nangyari samin ni Kath. 2 weeks na kaming hindi nagkikibuan. 2 weeks ko nang hindi nakakausap ang bestfriend ko. 2 weeks ko nang itinatago ang totoong nararamdaman ko. Oo inaamin ko. Mahal ko na si Kath. Sa wakas at nauntog din ako sa katotohanan na may gusto nga ako sa bestfriend ko. Pero hindi lang gusto, mahal ko pa pala.

Oo tama sila. Mas inuna ko ang galit na nasa puso ko kaysa aminin sa sarili ko na may kakaiba na akong nararamdaman sa bestfriend ko.

Monday na ngayon. Isang bagong linggo nanaman. Matitiis ko pa ba sya? Hay nako bahala na. -.-

Nasanay na nga ang mga students sa school na hindi kami magkasama ni Kath. Yung iba pa akala nila hindi na kami magkakabati kasi masaya na daw si Kath kay Quen.

Lagi silang magkasama. Nakita ko pa sila noon sa park kung saan kami unang nagkita ni Kath. Magkayakap pa sila. Oh diba. Parang hindi mahiwalay eh. Nahihiwalay lang pag classes na. Sumasama na din si Kath samin minsan. Pero hindi kami nagkakausap. Nagagawa na nyang tumawa ulit gaya noon. Pero ako hindi.

Well speaking of. Andito na ako sa kotse. Saktong pagtapat ng bintana sa bhay nina Kath, nakita ko sila ni Quen. Pinahinto ko muna saglit yung kotse. Sinundo sya ng mokong na yun. Nyeta ang dami nang nagawa ni Quen. Tuluyan na kaya akong nakalimutan ng bestfriend ko na ngayon ay mahal ko na?

Napatingin si Kath sa kotse namin. Alam nya sigurong ako to at nagtataka sya kung bakit ako nakatigil dito. Well ito nanamana ng acting -.- umalis na ako at pumasok sa school. Di ko na nilingon si Kath. Hanggang kelan ko ba titiisin tong sakit at selos na nararamdaman ko? Di pa ba ako gagalaw? Nawawala na sakin si Kath at unti-unti nang naaagaw ni Quen. Pero kailangan ko din naman sigurong gumawa ng effort. Nakakahiya naman kay Kath diba -.- Well, papatulong na lang ako sa mga boys. Aaminin ko na din sakanila para naman matulungan nila ako sa gagawin ko.

Kath's POV

Kelan ba kami magkakausap ni Dj? Nahihirapan na ako. Akala ko mababawasan yung sakit pero mas nadadagdagan pa pala. Yung hindi nya pagkibo sakin at hindi pagkausap sakin. Pag sumasama ako sa barkada, dala-dala nya lang ang dakilang headset nya. Pero pag nakikita ko sila pag hindi ko sila kasama, ang saya-saya nya. Tuluyan na ba akong nakalimutan ng bestfriend ko?

Nakita ko kaninang nakahinto ang kotse nya. Pero umalis din ito nung nakatingin na ako. Bakit na ba sya umiiwas? Wala na ba syang balak makipagbati pa ulit sakin? :(

"Kath nakikinig ka ba sakin?" Mygad may kasama nga pala ako -.- Kanina pa ako nakatingin kung nasan yung kotse nina Dj kanina.

"Ah. May sinasabi ka ba?"

"Pasok na tayo. Baka malate pa tayo eh." Sabi ni Quen. At ayun pumasok na kami. Simula nung nagkasagutan kami ni Dj si Quen na ang naghahatid at nagsusundo sakin. At sa tingin ko hindi naman naaapektuhan si Dj.

Destiny Of US ♥ [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon