Chapter 7. "Two of us was played by destiny"

5K 264 55
                                    

Chapter 7. "Two of us was played by destiny"

Yumi's POV

            Pinipilit kong matulog. Kanina pa ako pabalentong balentong sa higaan ko pero di pa rin ako makatulog. Kahit na ipikit ko ang aking mata. Parang may nagsasalita naman sa isip ko. Ano bang nangyayari? Ang dami daming sumasagi sa isip ko. Pero kung gising na ang katawan ni Kai, ibig sabihin. Buhay na siya? Ay ang baliw mo Yumi, natural buhay siya. Gumising na nga di ba? Pero yung kaluluwa niya. Kaya ba nawala si Kai kanina dahil, bumalik na siya sa katawan niya.

            "Ibig sabihin, buhay si Kai?" napatagilid ako sa kama at tinignan ang lamp shade sa side table ko.

            Habang tinitignan ko ang ilaw ng lamp shade. Naiisip ko ang mukha ni Kai. Simula noong una ko siyang nakita sa Eastwood. Hanggang sa inaasar ako nito sa store habang nagse-serve sa mga guest. Pati na rin noong pumunta siya dito sa bahay ko. Noong hanapan niya ako ng trabaho. Noong kasama ko siya sa Cloud 9. Hanggang sa Padis Point kanina.

            "Pupunta ba ako?" nahiga ako ng maayos at ngayon naman ay diretsong nakatingin sa kisame. "Hay, bahala na nga."

            Kinaumagahan. Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Nakahiga pa ako habang kinakapa ito sa side table ko. Kinuha koi to at inilagay sa tainga ko habang pikit pa ang mga mata ko at tamad na sinagot ito.

            "Hello? Sino 'to?"

            "Yumi, si Himiko ito. Pupunta ka ba ngayon kay Kai?" mabilis na napadilat ang mga mata ko sa gulat at napatayo sa kama ko. "Ah—Eh."

            "Yumi? Nandiyan ka ba?"

            "Ah, Oo, Ms. Himiko pupunta ako."

            "Mabuti naman. Alam mo bang gustong gusto ka nang makita ni Kai!" mas nanglaki ang mata ko sinabi nito. Hindi ko nagawang magsalita. "Kaya Yumi, pumunta ka ah? Kahit mamayang hapon na. Yumi? Hello?"

            "Ah, Opo, sige pupunta ako. M-mamayang h-hapon hehehehe"

            "Sige, asahan ko 'yan ah! Bye~bye!"

            Nakatulala lang ako habang hawak pa rin ang cellphone ko at nasa tainga ko pa. Hindi alam kung bakit may kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko. Parang ang saya ko na parang ang lungkot ko. Wala akong idea kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

            "Kai? Narito ka ba?" inilibot ko ang mata ko sa buong apartment ko. "Please magpakita ka naman oh." Ngunit nabigo akong makakita ng isang multo. "Uh, totoo nga Yumi, wala na si Kai na isang multo. Wala na si Kai..."

            Kinakahapunan. Pasado alas-quatro nan g hapon ako dumating sa ospital. Pumasok na ako sa elevator. Habang papaakyat ang elevator sa floor kung nasaan ang room ni Kai. Sobrang kaba at bilis ng tibok ng puso ko. Ang weird talaga. I crossed my finger and close my eyes. Nag-wish ako sa isip ko.

            Destiny, please tell me what should I do?

            *Ting*

            Napadilat ako dahil sa tunog ng elevator at narito na ako sa floor ng room ni Kai. I took a deep breath at lumbas nan g elevator. Matapang na tinignan ang daraanan kong hallway at matigas na inilakad ang aking mga paa.

            Kaya mo 'yan Yumi. Kung buhay man si Kai, edi mas masaya sabihin mo sa kanyang mahal mo siya~

            "Ano? Ano bang iniisip ko? No, erase! Erase! Erase!" I shake my head habang naglalakad kaya naman may nakabangga akong isang nurse na lalaki.

A Summer with YouWhere stories live. Discover now