Chapter 1. "After the rain, between the clouds"

17.7K 481 32
                                    



Chapter 1. "After the rain, between the clouds"

Yumi's POV

Pagkatapos ng ulan.Sa likod ng mga ulap. Sisibol ang araw at lalabas ang bahag-hari. Summer na naman. At kapag ganito, marami mga tao ang nagsasaya. Family outing, reunions, at iba-iba pang mga pamamasyal ngayong summer. Ito rin ang panahon ng mga kabataan na magbabad sa swimming pool o sa beach dahil sa init ng panahon. Maglalabasan din ang mga nagtitinda ng halo-halo at saging con yelo. Pahirapan din ang paghahanap ng yelo sa mga tindahan.Uso rin ang mga sakit tulad ng skin cancer at heat stroke. Ito rin ang panahon ng pagtaas ng singil sa kuryente at tubig. Ganoon pa man, tayong mga Pilipino at likas na masayahin talaga at ang summer vacation ay isang season na dapat ay magsaya.

Dito sa Pilipinas. Sobrang init ng summer. Natural lamang iyon dahil nasa tropical zone ang bansa natin. Pero kahit na sobrang init ng summer, nage-enjoy naman ang mga Pilipino sa mga swimming at pagbabakasyon. Pero para sa akin. Isa lang ang kahulugan ng summer.

"Yumi Manahan?" tawag sa akin ng isang babaeng naka-formal attire.

"Yes Ma'am! Ako po!" masigla kong tugon dito.

"Follow me." Utos nito at naglakad na.

Sinara ko ang librong binabasa ko kanina. Pumikit ako at tumingala.

Lord, this is it. God bless po sa akin

Sumunod naman ako sa kanya at pumasok siya sa loob ng interview office.

"Sit down." Sabi nito.Umupo naman ako at nagpasalamat.

"So, you're Yumi."

"Yes Ma'am." Nakangiti kong sagot dito.

"Okay Yumi, my name is Sheela, okay, let's start the interview." Tumango nalang ako sa sinabi nito.

Tinitignan niya ngayon ang resume na pinasa ko.

"You are applying for CSR."

"Yes Ma'am"

"Okay Yumi, can you tell me something about yourself?"

"Hi, I am Yumi Manahan. I am a student of Marikina Polytechnic College, and taking a course of Bachelor in Industrial Technology. My area of specialization is in food service and manangement. I'm 19 years old. My hobby is reading books, watching television, watching anime. Sometimes if I have more spare time, I write my own story and post it in my blog. Someday, I want to be a successful woman." Masayang sabi ko rito. Pero mukha yatang hindi siya natutuwa sa mga sinasabi ko.

Alam kong hindi ako magaling sa English. Pero fighting Yumi.Kailangan mo ng trabaho. Remember? Mas mahal ang tuition mo this coming semester. Marami ka pang babayaran dahil graduating ka. May thesis at feasibility pa kayo kaya kailangan ng ipon. Ubos na rin ang huli kong ipon sa pagtratrabaho sa McDonald's. Kaya Yumi. Fight. Smile lang ah.

Natapos na ang initial interview ko at naghihintay na lamang ako dito sa elevator lobby at hinihintay ang resulta ng interview ko. Maraming applicant, iyong iba pa nga e may mga experience na sa call center industry. Mukhang ako lang yata ang wala pa sa lahat ng nandito. Pero Yumi ano naman?At least ikaw matututo pa. Kaya positive lang dapat.

Habang naghihintay ng resulta. Nilabas ko muna ang librong hiniram ko kay Fraine noong last day ng school. Binasa ko muna yung book. Ang ganda kasi ng title, "She's mine, only mine" ang title.Interesado.

Habang nagbabasa ako. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha. Napapalingon pa nga ako sa paligid ko dahil nakatingin sila sa akin. Hindi ko na lang silang pinansin at sinagot ang tawag.

A Summer with YouWhere stories live. Discover now