Chapter 2. "My heart is in an uproar!"

8.5K 338 27
                                    

Chapter 2. "My heart is in an uproar!"

Yumi's POV

            Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko habang tulala sa nakikita ko. Nanglalaki ang mata, nanginginis ang katawan lalo na ang tuhod ko. Totoo ba itong nakikita ko? Nakalutang siya mula sa semento. Para lang siya hangin na nakalutang sa hangin. Isang lalaking multo ang nasa harapan ko.

            Kinusot kusot ko ang mata ko at tinignan muli ito. Pero tama ang nakikita ko.

            No, this is just the creation of my imagination. Bangag ka lang Yumi.

            Mahina kong binatukan ang ulo at tumalikod dito. Tuwid na tinignan ang logo ng ministop na dapat kong puntahan para bumili ng yelo. Tama! Yun lang gagawin ko at babalik na ako  sa store. Baka nasobrahan lang ako sa kinain ko kanina kaya naman nananaginip na ako ng gising, bukod pa roon inaantok na rin ako. Kaya Yumi, walang multo. Baka naka-cosplay lang yan si Kuya.

            Nagsimula na akong maglakad. Unang hakbang, ramdam ko pa rin ang panginginig ng tuhod ko. Pangalawang hakbang, ramdam ko pa rin ang malamig na hangin mula sa likod ko. Nagbitiw ako ng malalim na paghinga.

            Yumi, act right okay? Kailangan na ng yelo. Malamig lang ang hangin kasi gabi na tsaka puro aircon ang mga building dito sa Eastwood.

            Tumayo ako ng tuwid. Inilagay ang dalawa kong braso sa gilid at tinigasan ang katawan ko. Tama maglalakad na ako ng maayos. Army walk activate.

            "Left, right. Left, rgith." Inuulit kong sinasabi habang naglalakad.

            "Patuloy mo bang gagawin 'yan?" nahinto ako sa paglalakad ko ng muling magsalita ang lalaking multo sa likod.

            Dahan-dahan koi tong nilingon at saktong paglingon ko nagtama an gaming mga mata. Ngayon, seryoso ang mukha nito at parang dismayado. Hindi ko nagawang magsalita dahil sa takot. Ramdam ko ang pawis sa mukha ko.

            "Uy, ano ba? Gumalaw ka naman. Psh. Hello? Mukha ba akong nakakatakot?"

            Hindi ko maaaring magkamali. Nakikita at naririnig ko nga siya.

            "P-pero m-multo  ka?" singhal ko rito.

            "Hahaha, multo nga ako. What's new." Ngumuso pa ito sa akin. "Pero ako ang pinaka-guapong multo di ba?" kumindat pa ito sa akin.

            Teka, sandali. Multo ba ang isang 'to? Ang hangin ah. At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng tao ay ang mahangin at mayabang. Buhay man o patay!

            Nagpameywang ako. "Multo ka ba o finalist ng Mr. Pogi?" tinaasan ko ito ng kilay tsaka matalim na tinignan.

            "Hahaha, Multo ako, pero noong nabubuhay pa ako, binalak ko ring sumali sa contest nay an sa TV. Pero di ko nagawa eh, sayang naman."

            Halos mahulog ang panga ko sa sinabi niya. Aba'y may tuliling pala ang isang 'to.

            "Wala akong pake. Okay, multo ka, nakita kita. Osige, bye na babush!" tinalikuran ko na ito at naglakad na papuntang ministop. Naku baka umuusok na sa galit si Mr. Agustus dahil sa tagal ko at baka si Ms. Katy pa ang napagtutuunan nito.

            Maayos na akong nakakapaglakad. Wala na ang panghihina ng tuhod ko. Ganun na rin ang panginginig ng katawan ko. So ganun pala ang itsura ng multo. Habang naglalakad ako napapaisip ako sa nangyari kanina. Ito ang unang beses na nakakita ako ng multo. Wala naman sa lahi naman ang ispiritista ah.

A Summer with YouWhere stories live. Discover now