Chapter 5. "Treasure these days"

5K 269 32
                                    

Chapter 5. "Treasure these days"

Yumi's POV

            "Nakakapagod, whoosh!"

            Tapos na ang 4th day ng party dito sa resort. So far, maayos naman ang mga nangyayari. Mababait ang mga guess. Mga galante rin kaya nakakakuha rin ako ng malaking tip. Masaya naman ako at natutuwa sila sa serbisyong binibigay ko. Bukod sa sweldo ko, mukhang makakaipon pa ako ng mas malaki. Pwede na rin 'to para sa second semester ko if ever.

            Narito ako sa malaking bato malapit sa pool. Wala nang guess dito, kaya pwede kaming mga staff na maglakad-lakad at mag-swimming. Natuwa rin sa amin si Boss dahil sa magandang feedbacks ng mga guess about sa party. Ngayon lang din ako nakakita ng 5 days na party. At bukas na ang last day nito.

            Napag-alaman ko rin na ang nagpa-party pala nito ay isang mayaman na tao. Sabi sa akin, kaya raw nagpa-party ito kasi naging stable na raw ang kalagayan ng anak nito na commatose sa hospital. Ang weird nga eh, kailangan talaga ng party para 'don? Well, mukhang afford naman nila kaya, wala lang siguro sa kanila 'yon. Tsaka natutuwa ako at maayos na yung anak niyang commatose.

            "Oh? Okay ka lang Kai? Bakit parang mas pagod ka pa sa akin?" napansin ko naman si Kai na nakatulala at kanina pa nagpapakawala ng sunod-sunod na buntong hininga.

            "Hindi ko nga alam Yumi eh, this past few days, feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko." Napatingin naman ito sa akin ng mapansin kong mas lalo siyang nag-fade.

            "Kai, bakit mas lalo kang nag-fade? Para ka nang invisible." Napatingin naman ito sa braso at sa buo niyang katawan dahil sa sinabi ko.

            "Hindi ko alam Yumi, pakiramdam ko, mawawala na ako sa mundong ito." Nanglaki ang mata ko sa sinabi nito.

            Natahimik kaming dalawa sa sinabi nito. Walang umiimik at naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Inialis ko na rin ang tingin ko rito at ibinaling sa pool. Hindi ko alam, bakit parang may sakit sa puso ko ng sinabi niyang mawawala na siya.

            "You mean, mapupunta ka na sa heaven?" sabi ko rito pero nanatili ang tingin ko sa pool.

            Naramdaman ko namang nagpakawala siya ng buntong hininga.

            "Hindi ko alam Yumi, I am still confuse what's going on. Tsaka kung sa heaven nga ba talaga ako pupunta hehehe" tumawa lang ito, napayuko ako dahil sa sinabi niya.

            "You think it's funny?"

            "Huh?"

            Nilingon ko ito. "What's funny Kai?" sigaw ko dito. Nakita ko namang nagulat siya sa inasal ko. Maging ako rin ay nagulat. "I'm sorry." Tumayo na ako mula sa bato at naglakad paalis.

            Habang naglalakad ako pabalik sa dorm. Hindi ko magawang ngumiti. Blanko ang mukha ko pati na rin ang isip ko. Tanging nasa isip ko lang ay ang mga sinabi niya kanina. That he will be gone.

            "Yumi? Umiiyak ka ba?" nanglaki ang mata ko ng biglang sumulpot si Kai sa harap ko.

            "Ah? Ako? Of course not." Agad kong pinunasan ang luha ko. Hindi ko man lang namalayan na umiyak na pala ako. Hindi ko rin maisip na iiyak pala ako. At hindi ko maintindihan kung bakit ako naiyak?

            Pumasok ako agad sa dorm ko. Pero naramdaman kong sumunod si Kai sa akin.

            "Yumi, sorry. Alam kong nahihirapan ka na sa akin. Alam kong pinagtyatyagaan mo lang ako. Pero Yumi, please do your promise to me, bago man lang ako mawala."

A Summer with YouWhere stories live. Discover now