Chapter 3. "Night in my job"

7.5K 309 62
                                    

Chapter 3. "Night in my job"

Yumi's POV

"Hindi ko kasi alam ang pangalan niya."

Ang weird ng naramdaman ko ng makita ko ang malungkot na mukha nito. His eyes, kahit na hindi ito direktang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang nais na ipahiwatig ng mga mata niya. Na nakikita ko kung anong nararamdaman niya sa mga mata pa lang niya. Para bang nahihirapan siya sa sitwasyon niya.

"Sus, ayos lang 'yon! Edi alamin natin!" sabi ko dito sabay bukas ng pinto. "Tara pasok ka!"

"Sus, kahit naman naka-lock yan makakapasok pa rin ako," sabi nito sabay pasok sa loob ng tinitirahan kong apartment.

Habang naghahanda ako ng makakain ko. Nagkwe-kwento na naman siya ng tungkol doon sa babaeng nasa picture. Ewan ko ba, pero multo 'tong kaharap ko, pero ang weird ng pakiramdam na hindi man lang ako natatakot. Oo noong una, pero nung nasa bar na siya at hinangin ako ng kayabangan niya. Hindi na ako natakot sa kanya.

"Siya nga pala Yumi, bakit mag-isa ka? At tsaka bakit mo ako nakikita?" napahinto ako sa pag-beat ng itlog at nilingon siya.

"Wala na akong mga magulang, mag-isa lang din akong anak kaya naman wala na rin akong pamilya. In short nabubuhay akong magisa. Pero ayos lang, nasanay na rin ako." Sagot ko dito. Nakita ko naman tumango-tango siya sa sinabi ko at ibinalik ang tingin sa binabati kong itlog.

"Eh ba't ka nakakakita ng multo?" napalingon akong muli sa tanong nito.

"Hindi ko rin alam eh. Ito ang una at ikaw ang una kong nakitang multo. Kung multo ka nga talaga, baka naman trip trip mo lang ako."

"Hahaha, multo talaga ako. Mag-iilang buwan na."

"Talaga?" nabalik ang tingin ko sa binabate kong itlog. "Eh ano bang dahilan bakit ka naging multo?"

Matapos ng tanong ko. Biglang tumahimik ang buong paligid ng apartment ko. Kaya naman napalingon ako dito.

"Uy, Kai!" nakatulala ito. Nakatingin sa malayo.

"Oh, bakit?" tila may iniisip siyang malalim.

"Ang sabi ko, bakit ka ba naging multo? I mean, what is the cause of your death." Paguulit ko sa tanong ko. Nakita kong tumayo ito at lumutang sa hangin.

"Hindi ko nga rin alam eh. Basta isang araw na lang, ganito na ako. Isa nang multo."

"Huh? Hindi mo alam?" nabitawan ko na ang hawak kong tinidor. At napaling ang attention ko sa multong kausap ko.

"Oo, di ko nga rin alam Yumi. Noong naging ganito ako, wala akong maalala. Kahit na pamilya ko. Pero nakita ko sa bulsa ko ang litratong ito. Kaya gusto ko siyang mahanap. Baka siya ang kasagutan sa mga tanong ko." Nilabas niya ang litratong pinakita niya sa akin kanina. Tinignan niya ito.

"So, di mo siya girlfriend?" tanong ko dito habang naghahanap ng kawali para sa priprituhin kong itlog.

"Yumi, yun lang ang naaalala ko. Girlfriend ko siya. Ewan, ang sakit sa ulo." Bumaliktad ito sa hangin at nagpa-ikot ikot.

"Sus, alam mo ang weird mo din eh."

Kumain na ako ng breakfast. Tapos natulog na. Sabi ko pa kay Kai na umalis muna dahil baka bigla akong bangungutin dahil may multo sa tabi ko. Noong bata ako. Gusting gusto kong makita si Casper, kasi ang friend niya. Pero ngayong nakakakita na akong multo. Oo, hindi ako takot, pero walang excitement. Sana si Casper na lang ang nakita kong multo. ^O^/

A Summer with YouWhere stories live. Discover now