Pikot

129K 2.6K 19
                                    

LABINGPITO

"Ericka, bakit hindi ka pumasok?" Marco approached me pero nakita kong namutla siya ng makita niya ang hitsura ko. Umiling ako bago yumuko. He opened the tent wider at sabay sabay na tumingin ang tatlo sa akin.

"Ericka?!" Pier exclaimed. I heard their sharp intakes of breath ng makita ako. Tinaas ko ang ulo ko and looked at each of them. Ng tiningnan ko si Andrei ay kasing kulay na siya ng suka. Unti unti siyang lumapit.

"H-hi..k-kanina ka pa diyan?" his voice was wavering with every word he said. Tinitigan ko siya. Isa isang lumabas ang mga kaibigan ko at naiwan kaming dalawa sa loob.

"Was it fun?" tanong ko rito. He stepped towards me but I stopped him Tinitigan ko siya ng mariin.

"Yana.." he tried touching my cheeks pero pinalis ko ang mga kamay niya. He paled more dahil sa klase ng tingin ko sa kanya.

"I'm going to ask you Andrei. And you have to tell me the truth." My voice was full of force. Napaupo si Andrei bago tumango.

"Kasal ba tayo o hindi?" I asked him. He clenched his jaw.

"Kasal tayo--"

"Magsisinungaling ka pa?!" hindi ko na napigilang sumigaw. He raised his head and brushed his fingers through his hair.

"Kinasal tayo. Nakalimutan lang nating pumirma kaya illegal ang nangyaring kasal." He whispered. I blinked a few times while clenching my fist.

Tumayo ito and took my hands.

"Please.. Yana--"

"May sakit ka sa puso o wala?" mariin kong tanong. Inagaw ko ang kamay ko sa kanya.

"Yana.."

"May sakit ka o wala?" mas malakas na ang pagkakatanong ko. Andrei bowed his head bago lumuhod sa harap ko. But I couldn't care anymore. He could kneel there the whole day and I will not give a damn.

"W-wala.." his voice broke. His shoulders shook. I gasped when he admitted the truth. Kinagat ko ng mariin ang labi ko and made him looked at me.

"Ilan pa Andrei? Ilang kasinungalingan pa ang sinabi mo? Ilang katotohanan pa ang tinago mo?" bitter na kung bitter, pero masakit malaman na pinaglaruan lang pala niya ako sa pangalawang pagkakataon. Nakakasakit sa loob isiping hindi pa pala ako natuto. Ang akala ko nakayanan ko ng malaman ang mali sa tama, ang totoo sa hindi, pero pagdating kay Andrei, mananatili na lang talaga akong bobo.

"I can't lose you Yana! Ginawa ko lang iyon dahil ayaw kong makasal ka kay Adam. Gusto ko..gusto ko tulad ulit tayo noong nasa California pa lang. Yung masaya. Yung nagmamahalan--" I laughed hardly at tiningala niya ako.

"Sige nga Andrei, sino bang sumira ng lahat ng mayroon tayo noon? Ako ba? Hindi ba't ikaw rin yun?" my tears started falling. Tumalikod na ako sa kanya and went out of the tent. I heard him running after me kaya nagmadali akong bumalik sa kotse ko at umalis na sa lugar na iyon.

Damn it! Damn! Pinaghahampas ko ang manibela ko habang humahagulgol sa iyak. How could he? Ganoon ba kasayang paglaruan ako? Why can't he toy somebody else? Bakit laging ako na lang? Nakakasawa naman kasi.

I closed my eyes and tried calming my breath. I maneuvered the car and went to my Mom's resthouse. Doon muna ako dahil alam kong pupuntahan ako ni Andrei sa apartment ko to tell lies again.

TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. I checked my phone and turned it on. Pagkasindi ko pa lang ay may tumatawag na. I saw it was Andrei so I ignored it. Another call came and now it is from my father.

"What do you want?" I said. My Dad chuckled.

"Nakalimutan mo na? It's your first day being the OIC Ericka." He answered. I drew a sharp breath. Ngayon nga pala ako ipapakilala ng Daddy sa board. Hindi ko mapigilang hindi kabahan.

"Hindi ko nakalimutan Dad. Infact, papunta na ako diyan." I said. He said his goodluck at nagbihis na ako. I took my glasses and bun my hair. When I am all done, mabilis na akong lumabas ng resthouse at dumiretsyo sa opisina. I texted Pier na hindi na ako makakapasok as regular as I used to be sa agency dahil na nga rin sa gusto ni Dad. Ayaw ko ng daanan ang bakla na iyon dahil alam kong naroon si Andrei. Baka magkita lang kaming dalawa.

A valet took my car at tuloy tuloy na ako sa loob. My Dad was waiting for me. He opened his arms to wrapped me in a hug pero nilagpasan ko lamang siya. Hindi ko na kailangan ng mga pakitang tao niya sa mga empleyado. Mabilis itong sumunod at siya na ang kumuha ng elevator para sa aming dalawa.

"The board is already excited seeing you anak. Kasama rin nila ang mga anak nila para mapakilala sayo. I hope you will like one of those bachelors." He said. I rolled my eyes at sumandal sa pader.

"Ericka--"

"Can you please stop talking Dad?" I snapped. Tumitig ito sa akin bago marahang tumango. Nauna akong lumabas sa kanya at sumunod naman ito.

"Sa office muna tayo anak." He said. Kumuha ito ng isang folder at iniabot sa akin.

"Try to study this proposal. First project mo ito as the new OIC." Tumango ako at binuklat ang folder. I closed it at inilapag ito sa lamesa niya.

"Let's go." Pinagbuksan ako ni Daddy ng pintuan. Sumunod naman ako at pumunta na sa conference room. Everybody stood when they saw the two of us entering.

"Gentlemen, please sit down." They all sat at naiwan kaming dalawa ni Daddy na nakatayo. Dad cleared his throat at nagsimula na akong ipakilala. I smiled at all of them and they all bid their pleasantries.

"Erick Ramos, Ms. Sandoval." A blond guy extended his hand on me. Dad looked at him and smiled.

"Ericka. Nice to meet you." I gave him my hand for him to shake but instead, he turned it over and kissed it. Mabilis kong inagaw ang kamay ko mula rito.

"What--"

"That is really gross Mr. Ramos." A voice boomed on the background. Napatingin ako rito and gasped.

"What the hell?!" I blurted. Andrei laughed and went to my Dad.

"Mr. Montreal." My Dad greeted him. Andrei smiled and extended his hands to me.

Umakbay ang Daddy ko kay Andrei and I swear that is the weirdest thing that ever happened. What is happening? Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ericka, meet Adrian Andrei Montreal." My father said. I gawked at the two of them before I excused myself and went out. I went to the comfort room and immediately closed it.

"Oh my gosh.." I said to myself while looking at my reflection. The door opened and I rolled my eyes when Andrei went inside.

"This is a girl's comfort room." I said matter of factly. He chuckled before taking my hand at hinugasan iyon.


"No one kisses what is mine. Kahit ang kuko mo walang pwedeng humawak. Ako lang Yana." He said while brushing my hand until it reddened.

"What happened to you and my Dad?" I asked. Tumawa ulit ito bago umiling.

"Magic Yana." He answered. Ng matapos siyang hugasan ang kamay ko, he straightened and extended his hand to me.

"Andrei Montreal." He said. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What--"

"I wanted to start in a clean slate Yana. I know I pretended and I lied. But that is the actor in me. Standing infront of you, is just simply me." he was sincere when he said that. But I shook my head at nilampasan na ito.

Seriously? Sa tingin ba niya ganun lang kadali ang lahat? Natigil ako sa paglabas ng humarang ang mga kamay niya sa pinto.

"I am Andrei Montreal. At kahit ilang beses mo man akong itulak, babalik ka sa akin Yana. I get what I want Yana. At hindi ako susuko hanggang hindi mo ako tinatanggap ulit. Dahil kung mahal ko, yun ang pipikutin ko." He whispered at mas nauna pang naglakad palabas.

*pen<3

The Broken Promise (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now