I Never Knew I Needed

128K 2.6K 47
                                    

LABINGLIMA

"LEAD VOCALISTOF 'DEMONS' ANDREI MONTREAL CAUGHT MAKING OUT WITH ACTRESS ANNE SALVACION ON THE SET OF THEIR TOOTHPSTE COMMERCIAL."

 

 

 

Napahinto ako sa pakikipagtawanan kay Savannah at Pier ng marinig namin iyon sa TV. Nanunuod kasi ang kambal ng cartoons at mukhang nagpatalastas.

"Mommy!! Si Tito Ninong kinakain niya din yung face nung girl. Bakit ang hilig nilang mangain ng face?" Alexa asked Vannah. Tinitigan naman ako ni Van habang lumapit ako sa TV. I looked at the news. Kilala ko ang artista na hinalikan ni Andrei. She is one of the most sought after leading lady, sadyang maganda at napakaamo ng mukha.

"Don't sweat it Ericka." Pier said. Tiningnan ko siya. I grabbed my purse and headed outside.

"Uuwi na ako." Paalam ko sa dalawa. Vannah held my hand.

"He loves you Ricks." Yun lang at binitiwan na ako ni Savannah. Lumabas na rin ako at kinakabahang tumakbo. I tried calling Andrei pero hindi siya sumasagot.  Bit my lip. May shooting nga pala siya ng bago niyang music video ngayon. Sumakay na lang ako sa taxi. Habang binabagtas namin ang daan, napatingin ako sa malaking billboard ni Andrei.

His a rockstar. I know that. And Anne..is an actress..mas bagay sila..

Hindi ko na napigilan ng maluha ako sa naisip. I know, I don't have any kind of help on boosting his career. Isa lang naman akong simpleng businesswoman at ni walang kaalam alam sa mga pasikot sikot ng showbiz.

Bumaba ako sa mall para magpalamig. I went to a record store para bumili ng isang CD nila Andrei when the saleslady giggled.

"Bagay talaga sila ni Anne ano?" she said. Napatingin ako sa dalawang naguusap and saw the toothpaste commercial.

"Pero diba may girlfriend na si Drei?" the other girl asked. Tumingin naman ang kausap nito bago sumimangot.

"Loka, kumpara mo naman yung girl kay Anne ay naku, walang wala. Kay Anne pa rin ako."

I breathed hard at binayaran na ang CD. Nagmamadali na akong nagbayad at umalis na sa mall. I walked along the hallway at napansin ko ang mga dyaryo at magazines na si Andrei ang naka feature. Napahinga ako ng malalim.

Hindi ba talaga kami bagay ni Andrei? Tiningnan ko ang isang magazine, featured doon ang photoshoot na ako mismo ang kumuha. I smiled bitterly habang nakatitig kay Andrei.

"Ang gwapo niya, hindi ba?" natutuwang sabi ng tindera. Tiningnan ko siya bago binayaran ang magazine na kinuha ko.

I went home with a slumped shoulders. Nalulungkot kong nilagay sa player ang CD at binuklat ang magazine bago binasa ang mga nilalaman.

"I have always dreamed becoming a singer, mula pa pagkabata."I read on one of his interviews on the magazine. Lalong bumigat ang nararamdaman ko kaya pumunta na lang ako sa kwarto para humiga.

I am very much aware of it. Iba ang mundo ni Andrei sa mundo na ginagalawan ko. He's a star and I am a nobody. Hindi ba at yun ang rason niya kung bakit niya ako iniwanan noong kasal namin? He left me because I am a nerd, and marrying me would ruin his image and his career.

And then there's Anna. She is a perfect partner for someone as great as Andrei. Makakatulong ito sa kanya. Maganda ito. Philippines Sweetheart. Maamo. At higit sa lahat, sikat. I don't know why pero kinakain ako ng insecurities ko. Natatakot ako na baka magbago ang isip ni Andrei tungkol sa pagpapakasal sa akin at iwan na naman ako.

The Broken Promise (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now