Epilogue

199K 3.9K 179
                                    

EPILOGUE

"Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo~"

"Andrei ang ingay!"

Napatigil ako sa paglalaro ng guitar hero ng bigla akong sigawan ni Xander na kakapasok pa lang ng bahay. Tiningnan ko siya at nakita kong may bisita siyang dalawang babae. Tumaas ang kilay ko. Napaka talaga nitong si Xander. Papalit palit ng babae.

Tinalikuran ko lang ang kapatid ko at nagpatuloy sa paglalaro ng guitar hero. Narinig ko pang umakyat si Xander habang nakikipag usap doon sa kasama niyang kulot ang buhok. Tiningnan ko ulit silang tatlo at nakita kong nakatingin sa akin ang kasama nila. I smiled pero yumuko lang ang babae at tumakbo na papuntang kwarto ni Xander.

Maaga akong pumasok kinabukasan dahil may rehearsal ang banda namin at kailangan naming magpractice. Naglalakad na ako sa hallway ng mapatigil ako sa narinig ko.

May nakatalikod na babaeng tumutugtog ng piano. Nakalaglag ang tuwid na tuwid niyang buhok at parang wala siyang pakialam sa mundo. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong magaling siya dala na rin ng ganda ng musika na nagagawa niya. Lalapitan ko na sana siya ng bigla na lang siyang tumayo at lalabas na sana. Ganun na lang ang gulat niya ng makita niya akong nanonood sa pagtugtog niya.

"Hi!" bati ko dito. Napakurap siya bago inayos ang salamin niya sa mata.

"H-hi!" ganting bati niya sa akin. I smiled at her. nakaktuwang makakita ng isang tao sharing the same passion for music as you. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Andrei Montreal. You are?" tanong ko dito pero nakatitig lang siya sa akin. napakamot ako ng batok. Mukhang hindi niya sasabihin ang pangalan niya sa akin kaya kinuha ko na lamang ang I.D niya at binasa ang pangalan niya.

"Ericka Yana Sandoval. Can I call you Yana?"

"W-walang tumatawag s-sa akin na Yana." Pabulong niyang sagot. Napangiti na lang ako at tumango.

"Then, I'll be the only one to call you Yana." At tinapik ko ang buhok niya bago ko siya iniwan.

-----------------------------------------------------------

"Saan mo ba kasi ako dadalhin Andrei?" natatawa niyang tanong sa akin habang takip takip ko ang mata niya.

"Surprise nga. Ang kulit nito." Natatawa ko na lang na sabi dito. Natawa na lang si Yana sa akin at hindi na nagsalita. Maya maya lang ay huminto na ako. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa mata niya para makakita siya.

"Andrei.." speechless niyang sabi. Tiningnan ko siya at nanatili lang siyang nakatitig sa surpresa ko.

"Did you like it?" anxious kong tanong. Ibinalik ko siya sa California kung saan ako unang nagtapat sa kanya. Nasa tower kami and I rented it for only the two of us. I wanted Yana to know that even though we are already married for two years now, kaya ko pa rin siyang ligawan sa araw-araw.

"Of course. Hindi ka na dapat nag-abala Andrei." Tuwang tuwang sabi niya habang nilalaro ang mga petals ng bulaklak na nakakalat sa buong tower.

"I'm glad you liked it."

"Sana sinama natin si Andrew. Siguradong matutuwa siya dito."

"Matutuwa si Andrew sa mga bulaklak? Yana, may balak ka bang gawing bakla ang panganay natin?!" gulat kong sabi. Napatingin si Yana sa akin at natawa ng malakas.

"Hindi ha! Gusto ko lang maranasan kung paano mag-alaga ng baby girl. I know, kung may babae tayo, matutuwa siya sa mga bulaklak." She said habang nilalalanghap ang tulip na nakadisplay. Lumapit ako dito at niyakap ang beywang niya.

"Gusto mo ng bagong baby?" I whispered. She stilled at lumalim ang paghinga niya.

"Andrei.."

I nibbled her earlobe at hinalikan ang punong tenga niya ng bigla siyang humarap sa akin.

"Andrei, ang landi mo." She giggled bago hinalikan ang ilong ko. I smiled back.

"I'm..I'm going to quit the band Yana."

Matagal niya akong tinitigan bago siya namutla. She blinked twice, thrice bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Andrei..bakit? This is your dream--"

"Ikaw. Ikaw ang pangarap ko." Sansala ko sa sasabihin niya. I touched her cheeks and looked at her.

"Ayokong lumaki si Andrew na nabubuhay sa ilalim ng camera Yana. Kapag nanatili ako sa showbiz, magugulo lang kayo. Walang privacy. Laging may issue. Lagi kayong may kahati sa akin." tumawa siya sa sinabi ko at niyakap na ako.

"You're sacrificing so much for me Andrei."

"I'm not. Kung nagsasakripisyo ako, sana hindi ako nagiging masaya. You're everything for me Yana. Ikaw and si Andrew. Kayo lang, sapat na ako. Hindi naman ibig sabihin na titigil na ako sa pagtugtog, mawawala na ang passion ko sa musika. It will always be there. Mas matimbang nga lang ang passion ko sayo." I said to her. Humiwalay siya sa akin at tiningnan ako ng mariin.

"Are you sure about this Andrei?" tanong niya. I kissed her hand and nodded.

"Oo. I want to be with you. Ayoko ng manatili sa harap ng camera. I want to be exclusively for your eyes only." Biro ko dito. She rolled her eyes at me before giving me a peck on my lips. I groaned and pulled her closer.

"I love you Ericka Yana Montreal. Kahit na anong mangyari, walang magbabago." I said to her. she smiled sweetly at me and hugged me tighter.

"I too Andrei." Bulong niya.

___________________________

"Andrew, give me the ball." I told my son. Tumingin lang ito sa akin bago tumakbo papunta kay Yana.

"Mama!" agad itong yumakap sa leeg ni Yana at tuwang tuwang kumapit dito. I smiled at the two of them at nilapitan sila.

"Daddy!" he extended his arms at me at ako naman ang bumuhat sa kanya. I threw him in the air twice at tuwang tuwa naman ito.

Nilingon ko si Yana na nakasandal sa pader at nanonood sa aming dalawa ni Andrew. Lumapit ako dito and she smiled back at me. kumunot ang noo ko when I noticed na may pagkaputla siya. agad kong hinaplos ang mukha niya.

"Are you alright?" nag-aalala kong tanong. She smiled weakly.

"Yup. Mainit lang kaya nahilo ako ng kaunti." She said. Tumango ako at inaya na siya papasok when suddenly, bigla itong napahawak sa pader. Agad ko siyang inalalayan.

"Yana?"

Hindi na ito sumagot sa akin. Bigla na lang siyang bumagsak sa mga balikat ko at tuluyan ng nawalan ng malay.

--------------------------------------------------------

"What the fuck is happening?!" sigaw ko sa doctor na nagcheck kay Yana. Hinawakan ni Xander ang balikat ko para patigilin ako sa paglalakad ng pabalik balik.

"Gising na siya." bagkus ay sagot ng doctor sa akin. agad kong binuksan ang pintuan at dumiretsyo sa asawa ko.

"Kamustang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" nag-aalala kong tanong. Pinilit niyang umupo kaya't inalalayan ko siya.

"Yana, anong masakit sayo?"

"Wala naman Andrei. I'm fine."

"You're fine?! How can you say you're fine?! Nag-collapse ka nga kanina!"

Bigla na lang itong tumawa sa akin bago siya umupo sa kandungan ko.

"Akala ko pa naman memoryado mo na ang sintomas kapag buntis ang isang babae." She smiled. Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"Buntis ka?"

Ngumiti siya ng malawak bago tumango. Magiging tatay na naman ako!

----------------------------------------------------------------------

End na po. Salamat sa pagsuporta. Sana nagustuhan ninyo. Watch out for the second generation ng mga Montreal. Salamat sa suporta.

Keep smiling people! Thank you for everything!

*Ace Domingo <3

The Broken Promise (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon