None Of Your Business

199K 3.6K 101
                                    

IKALAWANG KABANATA

 

 

 

 

 

"Kain ka kasi ng kain ng ice cream! Hindi ka talaga nag-iisip Adi!" tinitigan ni Andrei si Savannah habang galit na galit itong nagsasalita. Siste kasi, may battle of the bands ngayon at kasama sila Andrei, pero dahil sadyang isip bata ang Montreal na yan, inubos niya ang buong tub ng chocolate ice cream at ngayon paos na siya.

 

 

 

"Hindi naman ako masyadong paos.." malat ang boses na sagot ni Andrei. Vannah rolled her eyes.

 

 

 

"Dude, hindi mo na maabot niyan yung mga high notes. Dyahe tayo niyan, masisira yung performance. Magpalit na lang tayo ng kanta." Suggestion ng drummer nila. Andrei shook his head.

 

 

 

"Wala ng oras. Hanap na lang tayo ng ibang lead. Second voice na lang ako." He said. Lumingon lingon siya sa paligid. Pier raised his hand.

 

 

 

"Pier hindi ka marunong kumanta." Savannah said. Natawa naman ako. Pier stuck his tongue out.

 

 

 

"Sinabi ko bang ako? Ibig kong sabihin, may kakilala akong marunong. Pwede ninyo siyang maka duet mamaya Drei."

 

 

 

Sinara ko na ang libro na binabasa at tiningnan si Pier na ngiting ngiti sa akin. Kaagad akong kinabahan. I don't like that smile. Tumayo na ako at lalabas na sana ng hinawakan ni Pier ang balikat ko.

 

 

 

"Si Ericka, kumakanta yan." He said. Vannah clapped her hands and jumped.

 

 

 

"Oo! Maganda yung boses ni Ericka! Try it!" pagsegunda pa niya. Umiling iling ako sabay shake ng head. Geez! Hanggang sa loob lang ako ng kwarto kumakanta! Ano ba yan!

 

 

 

"H-hindi!! A-ano ba kayong dalawa!!" sagot ko. Namutla na talaga ako at nanlamig na ang mga kamay. Ngumiti si Andrei sa akin saka tumayo. Sheez! Wag mo akong ngingitian Montreal, utang na loob please!

The Broken Promise (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now