Chapter 30

263K 3.3K 651
                                    

Sorry po kung di ako mabilis magupdate kasi nagaaral din po ako. Second day po kasi ng pasok ko kanina, BS HRM po course ko. Di ko naman po kaya magdamag nasa harap ng computer pagkauwi ko, kaya sana po maintindihan niyo na paisa-isa lang na chaps ang ma-update ko hehehe.

Anyway thanks to those na nagcomment na super masaya sila sa chap. 29.

I made a TRAILER for this story nga pala. Nasa gilid po yung link...watch niyo po if you want. Hehe ^_^


--------------------------


Chapter 30


Daniel's POV


MISSION KATHRYN is all set and well-planned.

Ayos ba? Haha. Bored lang siguro ako.

^_^


Di kasi ako pinansin ni Kath nung pauwi na kami kagabi. Mas lalo tuloy akong nagisip kagabi.


"Oh anak, good mood ka yata. Ang aga-aga, nakangiti ka na" Si Mama talaga, lahat napapansin.

"Tita, ang ganda ko kasi ngayon" Napatingin ako bigla kay Sofia. 


WTH? Ano naman kaya kinalaman ng pagiging maganda niya sa mood ko?

Ang weird talaga ni Ya.


"Sino may sabi na maganda ka? Ituro mo, sasapakin ko" Seryoso pa talaga yung mukha ko para maasar siya. Bakit ba? Trip ko siya ngayon eh. Hehe.


"AISH! TITA OH! ANG SAMA NI D!" Natawa kami ni Mama kay Sofia. Sabi na nga ba, mapipikon siya.


"Para kayong bata kung mag-away. Anyway, nakwento ng Dad mo na nanalo kayo ni Kathryn. Congrats ah!"

"Naku ma, ang ganda-ganda nga ni Kath nung Friday. Sayang di mo nakita, Parang dyosa lang siya"


Magsasalita sana si Mama kaso biglang tumayo si Sofia.


"Tita, mauna na po ako" Tapos kinuha na niya yung shoulder bag niya.

"Teka, hindi ka ba sasabay sakin?" Tanong ko.

"Wag na D, Magpapahatid na lang ako sa isa sa mga driver niyo since marami naman kayong car. Kung okay lang?"

"Oo naman pero bakit ka aalis kaagad? Di ka pa nakain ng breakfast"

"Nagmamadali lang ako. Sige bye"


Bago ako makapagsalita, nakaalis na siya. Naiwan kami ni Mama na nagtataka.


Habang kinakausap niya ko kanina, hindi man lang siya tumingin sakin. Kilala ko siya, alam kong may nasabi ako na ayaw niya.


Hindi kaya....dahil sa sinabi kong maganda si Kath?


Pero imposible. Alam ko na naman yung nararamdaman niya over me dahil inamin niya sakin yun dun sa resort. Pero wala na naman sakin yun. Ang sabi niya kasi, she understands na hanggang bestfriends lang kami.

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon