[19] The Beginning of End

468 12 0
                                    

 

David's POV

 

Nakita ko! Nakita ko talagang gumalaw ang mga daliri niya na para bang naririnig niya ang bawat salitang sinasabi ko, ang mga salita ng pagsisisi at paghingi ng tawad. Siguro nga nilamon ako ng sobrang pagmamahal, nabulag ako sa mga bagay na pwede namang naging simple nalang, mga bagay na kung sana ay hindi ko ginawa hindi hahantong sa ganito

 

Wala naman ibang masisisi eh, ako lahat ang may kasalanan pwede naman akong tumangi sa mga plano ni Magy pero hindi, sinunod ko ang bawat plano na sinabi niya sakin at dahil dun nalagay sa ganitong sitwasyon si Lizzie

 

Hindi man ako ang nagtutok, hindi man ako ang bumaril, ako pa rin ang may kasalanan. Aaminin ko naduwag ako, naduwag lang akong mawala siya sakin, naduwag ako na baka maagaw siya kaya para mapagtakpan ang takot ko nilabanan ko ang taong alam kong aagaw sakanya, si Kai. Bukod sakin siya lang ang kayang tanggapin at mahalin si Lizzie ng buong buo siya lang kaya  sa tuwing nakikita ko siyang lumalapit sa barong baro naming tinutuluyan lagi akong natatakot kaya mas binaboy ko si Lizzie, sakanya ko binuhos lahat ng takot at hinanakit ko na nagiging dahilan ng pambubugbog ko, alam kong ako rin ang dahilan ng bagbalik niya sa dating gawain niya 

 

Pero sa tuwing lalapit si Kai para bang isa siyang tauhan ng bangko na nagpapaalala sakin na kayang kaya niyang bawiin lahat ng pagmamay-ari ko. Isa lang naman kasi ang alam kong akin eh, si Lizzie

 

Pero sa ngayon hindi na siya sakin dapat na siyang bumalik sa kung saan siya nababagay. Isa lang naman ang hinihingi ko ang gumising na siya, ang makita ko muli ang mga ngiti niya, at ang mapatawad niya ko, kahit mahirap pero kung mangyayari lahat yun isa lang ang mapapangako ko sakanya

 

Lalayo na ako 

 

Papabayaan ko na siya sa mga taong nararapat sakanya at alam kong kahit kailan hindi ako kasama dun, isa lang kaming malaking pagkakamali sa buhay ng pamilya niya kaya sa muli niyang paggising ibabalik ko na sakanila ang nasira naman ng dumating kami ng walanghiya kong ama sa buhay nila, ang kanyang pamilya

 

Kai's POV

 

"Nakita ko. Nakita kong gumalaw ang mga kamay niya, Nakita ko. Magigising na siya Kai! Magigising na siya"

 

Pagkasabi ni David ng mga salitang yun ay agad nawala si Leila at tumawag ng doctor ilang minuto pa ay sunod sunod na pumasok ang mga doctor sa loob dahilan ng paglabas ni David sa kwarto

 

"Sigurado ka ba sa nakita mo David?" Nakatingin lang ako sa loob at naramdaman ko namang humarap ito ng nakakunot ang noo

 

"Sa tingin mo ba magsisinungalin ako sa mga nakita ko?" Medyo may galit sa tono niya pero hindi ko iyon pinansin at muling nagsalita "Malay mo kasi..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumabas ang doctor at kasunod ang mga nurses kaya nakita kong lumapit samin sila Amanda

 

"Normal lang ang nangyaring paggalaw ng daliri niya naranasan na namin to sa maraming coma patient pero ang pagkakaiba gumaganda ang vitals ni Lizzie we'll observe her for the next 24 hrs at pag patuloy ang pagganda ng vitals niya ay malaki ang possibilities na magigising na siya"

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon