[16] Her Situation

653 24 2
                                    

[A/N]: Hi guys! Sorry sa super late update, sana maenjoy niyo tong update at sana at the same time please to vote and comment sa story na to, para naman alam ko ang feedback niyo. At please do vote! :) 

--------------------------------------------------------------------------

Kai's POV

Oo alam kong hindi na dapat ako pumupunta dito pero gusto kong ilayo si Lizzie sa lugar na to, gusto ko siyang itakas sa buhay na meron siya ngayon. At oo aaminin ko na ilang beses na kong nakita ni David dito, siguro yun yung dahilan kung bakit araw araw niyang sinasaktan si Lizzie, pero alam ko naman na kahit hindi niya ko makita sasaktan at sasaktan pa rin niya si Lizzie kaya hindi ako titigil hanggat hindi siya sumasama sakin, at wala akong pakealam kung paulit ulit man akong makita ni David dito

At sumagi nalang sa isip ko na sabihin kung nasan sila, sinabi ko kay Magy kung nasan si Lizzie, nagulat pa nga si Magy ng malaman niya kung nasan ang kapatid niya, agad niyang sinabi sakin na si Amanda nalang yung papapuntahin niya kaya nung araw na yun, hinintay kong dumating si Amanda dahil alam kong hindi niya kayang magisa sa ganitong lugar

"Amanda"

"Bakit ka nandito?"

"Dinalaw ko lang ate mo"

"You knew? Tapos di mo man lang sinabi samin?!"

"Actually ako ang nagsabi kay ate Magy"

"Oh"

"Tara samahan na kita sa ate mo"

Nakita kong napatigil si Amanda, siguro hindi nagulat siya sa naririnig niya, hanggang labas kasi naririnig mo yung mga ungol ng tao na nasa loob ng bahay, hinayaan ko siyang pumasok mag-isa at rinig na rinig mong nagsisigawan sila, nagtatalo, katulad ni Amanda, gusto na rin niyang umuwi ang ate niya. 

Halatang halata ang pagsisinungaling ni Lizzie, kung ano anong dahilan nalang ang sinasabi niya kay Amanda para lang umalis ito. Pero nagulat ako ng matigilan si Lizzie ng marinig niya ang pangalan ni Magy, bakit? anong meron at natigilan siya sa mga sinasabi niya.

Hinawakan ko na si Amanda para tumigil na siya, habang papalayo kami sa bahay na yun, kitang kiita mo kay Amanda kung gaano siya nasaktan sa mga sinabi ng ate niya pero sigurado ako na mas doble ang sakit nito kay Lizzie. Nagprisinta na kong maghatid sakanya, wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak kaya nagulat nalang ako ng tanungin niya ko

"Anong alam mo?!"

"Amanda pwede ba, kumalma ka lang"

Hininto ko yung kotse sa gilid ng kalsada at hinarap siya

"Wala na kong alam Amanda, oo siguro dati alam ko pa lahat ng nangyayari kasama pa nila ako sa panloloko nila pero ngayon ayaw na nila akong idawit, wala naman na daw akong kaugnayan sa kung anong nangyayari sakanila, ayaw na nila akong madamay pa"

"Sinungalin"

"totoo lahat ng sinasabi ko Amanda, maski nga si David ayaw sabihin sakin ni Lizzie kung saan"

"Pano mo nalaman yung lugar nila?"

"Tumawag sakin nun si Lizzie, humihingi ng pera kaya ko nalaman kung nasan siya, nung una nagulat pa ko na dun sila tumitira, at hindi ko rin akalain na papasok ulit siya sa ganoong gawain, ang alam ko kasi kaya namin ginawa yung plano na yun ng bday niya ay para tigilan na niya yung ginagawa niya"

Kasinungalingan. Oo lahat ng lumalabas sa bibig ko ngayon ay pawang kasinungalingan. Natunton ko sila Lizzie hindi dahil nanghingi siya nang pera kung hindi ay trinack ko siya gamit ang cellphone niya, ilang araw kong pinahanap sa mga nbi kung nasan siya at nung nalaman ko agad akong pumunta sa lugar nila. Pero sa kasinungalingang iyon may isa akong totoong bagay na sinabi kay Amanda. Wala akong alam sa plinaplano ni David, wala ako ni isang ideya kaya bago pa niya masagawa yung mga plano niya kailangan ko nang malayo sakanya si Lizzie

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon