[12] Little by Little

938 24 7
                                    

[JAZ' REMINDERS]: Sorry for the loong wait! eto na siya guys! salamat sa mga patuloy na nagsusupport, slow update na siya ngayon guys kasi may class na, alam niyo na mahirap pag graduating :p Tsaka nga pala, please do support my friend's story "Why it ends" click on the external link ---> 

------------------------------------------------------------------------------

 Amanda's POV

Lumabas na kami ng office nung doctor after niyang i-explain samin ang lahat, naiwan dun si ate para magrun sila ng different test sakanya. Hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi nung doctor, may sakit sa utak si ate? Tapos sasabihin nilang hindi pa alam kung ano talaga ang cause?! Pero nag-aassume silang yun nga talaga, tapos puro mga BAKA! Baka may nangyari kaya naging ganito... Baka pwede namang ganyan...

"ANO BA TALAGA!? NATURINGANG DOKTOR TAPOS GANYAN!"

"Amanda chill!"

Hinawakan ako ni Kai sa magkabilang braso at tsaka ako tumingin sakanya

"How can you be so calm?! She should know everything! She's a doctor!"

"But she's not a God to know EVERYTHING!"

Tumingin ako kay sir Admin 

"Sir, tell me this is not real, my sister's perfectly fine!"

"Amanda..you heard the doctor, at totoo yung sinabi niyang si David ang nagrecommend sakanya, David knows everything, I guess sakanya mo nalang itanong lahat ng gusto mong malaman. Excuse me but I need to go back to school"

"Sige sir ako na pong bahala dito"

Tumango si sir Admin kay Kai at naglakad na palayo samin. Kung tatansyahin mo ang sitwasyon, napakahirap ng pinagdadaanan ni ate Lizzie ngayon, hindi ko alam kung bakit kailangan pang maging komplikado ang lahat ng bagay, kung bakit kailangan pang maging mahirap para samin ang sitwasyon. Una yung ginawa nila kay ate, pangalawa yung trabaho niya, pangatlo yung scandal at ito naman ngayon yung sakit niya? Hindi ko na alam kung paano ko kakayanin ang lahat ng to, hindi ko alam kung paano ako magiging matatag para sa kapatid ko. Ang hirap ng ganito...

Pinauwi muna ako ni Kai sa condo namin, kailangan ko kasing kumuha ng mga gamit para kay ate, dahil kailangan siyang itest kailangan niyang mag stay sa hospital ng ilang araw sabi ng doctor. Pagkarating ko sa tapat ng condo nakita ko si Jace na naghihintay, agad ko siyang nilapitan dahil mukang kanina pa siya naghihintay

"Jace!!"

"Amanda! Bakit ngayon ka lang, nag-alala kami ni Leila nung di ka na bumalik"

"Sinamahan ko pa kasi si Kai na bantayan si ate, umuwi lang ako para kumuha ng gamit pero babalik din ako sa ospital"

"Anong nangyari? Ano daw yung sakit niya?"

"Mahabang kwento, tsaka ko nalang sasabihin sainyo, bakit ka nga pala nandito"

"Ahh oo nga pala...."

May kinuha si Jace na envelope sa loob ng bag niya, sobrang kapal nung envelope at nakamasking tape pa ito na parang importante talaga yung nasa loob

"Ano to?"

"Hindi ko din alam, pinapabigay lang yan sayo ni ate Laura, yung kabatch ni Lizzie, may nagpapaabot daw kasi para sayo"

"Laura? Yung assistant ni ate?"

"Oo yun"

"Sige salamat ah, ito lang ba pinunta mo?"

"Ahh oo, pakiramdam ko kasi di ka papasok bukas kaya dinala ko na ngayon tsaka sabi ni ate Laura mahalaga ang mga laman niya. Isa pa kung di mo na kaya nandito lang naman kami ni Leila, nandito lang ako"

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon