[13] Her Vengeance

929 24 6
                                    

[JAZ' REMINDERS]: Sorrrrrry sa late update lalo na sa mga taong naghahantay talaga! (*ehem* Aika *ehem*) hahaha! Sorry din kung hindi ko marereach ang satisfaction niyo for today! sorry talaga! babawi ako swear! And may mga clue na diyan kung sino yung nagmamatsag kay Amanda, and may dagdag na isang character! Remember her name dahil may malaking pasabog na gagawin yang babaeng yan, in the future! hohohoho! Yun lang. sorry talaga! love you guys! Enjooooooooooooy!  

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Amanda's POV

Katulad ng sinabi ni Jace mas hindi ko na lang pinili na pumasok sa school, pakiramdam ko kasi lahat ng tao dun nakatuon ang attention sakin, lahat ng tao dun gusto lang kaming siraan

Dumeretso ako sa bahay ni papa, matagal nang hiwalay sila mama at daddy, sabi nga ni ate Lizzie simula pa lang ng pinanganak ako hiwalay na sila, mahilig kasing mambabae nun si papa kaya napilitan si mama na layuan siya at dun naman niya nakilala ang daddy ni kuya David. Pero hindi kami pinapayagan ni mama na bisitahin si daddy at si ate Magy.

Pinalaki ako ni Mama sa paniniwalang dalawa lang kami ni Ate Lizzie na magkapatid pero may isa pa pala at yun si ate Magy, si ate ang panganay saming tatlo, sa totoo lang ibang iba ang ugali nito kumpara kay ate Lizzie, brat ang tingin ng marami kay ate Magy masungit kasi ito at mataray sa mga taong ayaw niya, siya yung tipong pag ayaw niya sayo ipaparamdam niya yun, hindi siya makikipagplastikan

Matagal tagal din akong hindi nakapunta dito, pagpasok ko ng gate agad akong sinalubong ng mga kasambahay nila papa

"Maam Amanda, pasensya na po pero wala po kasi sila maam Magy at sir, nasa business trip po kasi si sir at si maam naman po nag out of town"

"Ganun po ba? Sige po manang aalis na lang po ako, pakisabi nalang po kila ate at papa na dumaan ako"

"Sige po...ay maam! Teka lang po may pinapabigay po pala sainyo si maam Magy, pasok muna po kayo sa loob"

Sinunod ko yung sinabi ni manang, ilang sandali pa ay may dala dala na si manang na parang envelop habang papalapit ito sakin

"Maam, ito na po"

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon